^

PSN Showbiz

Leni Santos walang kilalang mga baguhang artista

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit sa Las Vegas, Nevada na naka-base ang aktres na si Leni Santos, hindi nito ikinakaila na nami-miss niya ang showbiz. Kaya nang dumating ang alok ng GMA para muli silang pagsamahin ng kanyang dating ka-loveteam (during the 80’s) na si Rey “PJ” Abellana sa bagong serye na More Than Words na nagbabalik sa tambalan ng magkasintahan na ngayong sina Elmo Ma­galona at Janine Gutierrez, hindi nagdalawang-isip ang aktres na nakilala sa pagiging “maldita” sa mga seryeng Anna Liza at Flor de Luna.

Walang kaso kay Leni ang magpabalik-balik ng Las Vegas at Pilipinas. Hindi lamang siya excited at masaya sa balik-tambalan nila ni PJ Abellana kundi mas lalo na sa kanyang mga bagong katrabaho ngayon.

“Ang dami na talagang bago na hindi ko na kilala pero looking forward ako to work with them. Sana tuloy-tuloy ang trabaho ko rito,” ani Leni.

Niño apat na dekada nang artista

Isang intimate na salu-salo ang naganap last Monday evening, October 27, sa NIU Restaurant na matatagpuan sa ika-anim ng palapag ng SM Aura sa Bonifacio Global City para sa ika-43 na kaarawan ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach na dinaluhan ng kanyang amang si Alex Muhlach at mga naka­babatang kapatid ni Onin, ang kanyang Tito Cheng (Muhlach), ama nina Aga at Arlene Muhlach, at ilang malalapit na kaibigan. Naroon din siyempre ang lady-love ni Onin na si Diane Tupaz at anak nilang si Alonzo Muhlach maging ang teenage son ni Onin sa kanyang ex-wife na si Edith Millare na si Alessandro Muhlach (13).

Sa edad na 43, hindi lubos-maisip ni Onin na nakaka-apat na dekada na siya sa showbiz. He was barely three years old nang siya’y magsimula.

American songwriter/hitmaker Christopher Cross nag-taxi lang papunta sa kanyang tinuluyang hotel

Alam mo ba, Salve A. na napaaga umano ang dating ng flight sa NAIA ng veteran American songwriter at hit maker na si Christopher Cross last Tuesday morning kaya walang welcoming committee na sumalubong sa kanya? Nang ma-sense niya na wala pa ang sasalubong sa kanya, sumakay umano ito ng taxi kasama ang kanyang mga kasama at saka tumuloy ng Midas Hotel sa Ro­xas Blvd. kung saan siya naka-billet.

Ang multi-Grammy award-winner at nagpasikat ng mga classic hit songs na Sailing, Arthur’s Theme (The Best That You Can Do), Ride Like The Wind, All Right, at iba pa ay nagtanghal sa PICC at sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Hotel noong isang araw (October 29) at kahapon (October 30) respectively. Si Christopher Cross ay makailang beses na ring nagtanghal sa Pilipinas.

vuukle comment

ABELLANA

ALESSANDRO MUHLACH

ALEX MUHLACH

ALL RIGHT

ALONZO MUHLACH

ANNA LIZA

ARLENE MUHLACH

CHRISTOPHER CROSS

ONIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with