^

PSN Showbiz

Raymart ‘di mapiga sa sampalan nina Dennis at Marjorie sa burol ng kanilang ina; Camille naiipit sa away nina John at Isabel sa wedding preparations

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagsisimula na raw magtalo sina John Prats at Isabel Oli sa paghahanda sa kanilang kasal sa May 2015.

Kuwento ni Camille Prats, natatawa na raw siya sa magkasintahan kapag hindi sila nagkakasundo sa mga ideya ng mga preparations, gaya ng pre-nuptial pictorial, mga tipo ng imbitasyon at ilan pang detalye.

Madalas na siya raw ang hinihingan ng opinyon ng dalawa.

Kuwento ng Kapuso actress: “Ako ang naiipit sa kanila, ah okay ito na ‘yun. Kasi minsan ang pagpaplano talaga it’s always hard to put two ideas together, yung compromise. Nakakatawa sila, masaya.”

PAK: Napaka-light at relax na relax lang daw ang role ni Jaclyn Jose sa bagong light-fantasy drama ng GMA-7 na More Than Words.

Gaya raw ng pag-handle niya sa isyu ng anak niyang si Andi Eigenmann, relax na relax lang daw siya at hindi na raw niya pinapakialaman ang mga kinasangkutang intriga ng lovelife ng kanyang anak.

Hindi rin siya naniniwalang kontra ang ina ni Jake Ejercito sa pakikipagrelasyon kay Andi. Kaibigan naman daw ni Laarni Enriquez ang kapatid niya at tingin naman daw niya wala silang problema.

“She’s even inviting us for lunch or dinner,” pakli ng aktres.

Tingin naman daw niya kayang i-handle ni Andi ang hinaharap niyang isyu kaya hindi na nga raw siya hinihingan ng payo.

BOOM: Iniiwasan ni Raymart Santiago na pag-usapan ang tungkol sa insidenteng nangyari sa burol ng kanyang ina na kung saan nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

“Hindi ko talaga alam ‘yun. Narinig ko na lang pero ayoko na lang magsalita,” mabilis na sagot ni Raymart nang nakausap namin sa pocket presscon ng bagong drama series niya sa GMA Telebabad na Second Chances.

“Hindi ko talaga alam kung ano ang mga nangyari, pero nandun ako.

“Nabasa ko na lang dahil nasulat na eh. Hindi rin kasi ako nakikialam dun, pero nandun ako, kaya lang hindi ko alam ang buong detalye,” sabi pa niya.

Ang concern lang naman niya ay ang kanyang anak na dumalo doon, pero nang nagdatingan sina Gretchen Barretto at mga kasama nito ay pinauwi na raw ng mga tao ni Claudine Barretto ang mga anak nila.

Obvious na pinapaiwas nga ang mga anak niya kina Gretchen.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

CAMILLE PRATS

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with