^

PSN Showbiz

Annabelle suko na sa lovelife ni Ruffa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Wala na raw siyang magagawa kung nami-miss ng anak na ikulong sa cabinet at umbagin 

Nag-emote uli kahapon si Annabelle Rama tungkol sa tampuhan nila ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez dahil sa mga bintang na gumigimik lamang sila para mapag-usapan ang kanilang reality show sa E!, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Para sa mga hindi nakakakilala sa mag-ina, gimik ang away nila pero mas marami ang naniniwala na totoo ang kanilang hidwaan, lalo na kung may kinalaman sa lovelife ni Ruffa ang isyu.

Maraming beses nang napatunayan ni Bisaya na tama ang kanyang mga kutob kaya prangka siya sa pagsasabi na hindi niya type para kay Ruffa ang rumored boyfriend nito na si Jordan Mouyal.

May nakakita kay Ruffa sa concert ni Mariah Carey noong Martes. May kasama si Ruffa na Arab-looking guy pero hindi sure ang source ko kung si Jordan ang mhin dahil hindi naman siya updated sa mga kaganapan sa lovelife ng unica hija nina Bisaya at Eddie Gutierrez.

Pinanindigan ni Bisaya ang pagtutol kay Jordan na sentro ng mga emote at litanya niya kahapon. Mahaba ang emote ni Bisaya kaya na-imagine ko ang dusa ng yaya o personal assistant na kanyang inutusan para i-share sa madlang-bayan ang mga isinulat niya sa papel.

“Good morning to all. Having coffee while reading all newspapers. Thank you sooo much sa lahat ng nagsusulat ng positive at sa lahat ng naniniwala sa akin regarding sa issue naming mag-ina. ‘Yung mga hindi naniniwala at sinusulat pa na gimik para sa reality show namin na It Takes Gutz to be a Gutierrez, well, I can’t do anything kung ‘yan ang paniniwala n’yo.

“Siguro new reporter ang nagsulat, ‘di n’ya alam pagkatao ko. ‘Di ako marunong gumawa ng gimik para pag-usapan.

“‘Di ako uhaw sa publicity. ‘Di ako nag-uumpisa ng away, pero di ako basta tumatahinik lang. I’m just frank and honest sa mga sinasabi ko na galing sa puso. Ang problema ko lang, masama akong magalit and I can’t control it...

“Regarding the issue last Saturday during my intimate dinner, sa speech ko, hindi ko akalain na may mag-react sa mga sinasabi ko... Kung may nasaktan man, siguro guilty.

“Kasi ‘di ko naman pinaplano ang bawat sasabihin ko. ‘Di ko pinag-aaralan, lumalabas na lang sa bibig ko. Kaya ako nag-tweet dahil sinagot ko lang ang tweets n’ya.

“Pero never akong nag-umpisa ng tweet. May nag- text lang sa akin kung anong nangyari at bakit may nag walk-out sa dinner ko, but before I reacted sa bad news, I told my friend to read the tweets for me.

“When I started tweeting, nagulat na lang ako kung bakit lumaki ang issue. ‘Yung mga nag-comment na kung bakit hanggang ngayon pinakikialaman ko pa rin ang lovelife ng anak ko, heto ang reasons, basahin nyo...

“1st Reason: Ayokong maulit ang nangyari sa kanya sa ex-husband n’ya kasi nakikita ko itong bagong lalaki sa buhay niya na carbon copy sa ex n’ya sa pagsasalita at sa kilos.

“Mabait lang sa um­pisa pero ‘pag nagtagal na, nag-iiba na ang ugali. Opinion ko ‘yan sa nakikita at nararamdaman ko.

“Kung na-miss niya ang boxing at tutukan ng baril at ikulong sa cabinet, ok bahala ka na at ‘yan ang gusto mong mangyari.

“Aasahan n’yo, hindi ako mahilig gumimik para pag-usapan lang. Hindi ko pinangarap mag-artista uli, matanda na ako para gumawa ng gimmick!

“Surrender na ako. Hindi lang mga kamay ko ang itataas ko, pati mga paa ko itataas ko na rin sa pagsuko ko...

“Uulitin ko sa lahat ng supporters ko na nagmamahal sa akin at naniniwala sa lahat ng mga sinasabi ko. Million thanks to you all. Lastly, maraming salamat sa mga nakakaintindi at umiintindi sa akin. Ganyan lang ako bilang isang ina!”

vuukle comment

AKO

BISAYA

IT TAKES GUTZ

KUNG

LANG

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with