^

PSN Showbiz

Dating sikat na mag-asawa, sa kotse nag-aaway para hindi mabuking ng mga anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung may mga kilalang personalidad na kung mag-away ay parang nagbabatuhan lang ng underwear sa publiko ang peg ay meron ding mga artistang malihim at marespeto sa kanilang mga sarili kung maglaban.

Kahit ibang mga tao na ang kanilang pinagseserbisyuhan ngayon ay palaging naaalala ng mga dating kasambahay ng isang sikat na mag-asawa kung paano sila mag-away.

Nakatira sa isang pangmilyonaryong subdivision ang mag-asawa, malawak ang kanilang mundo para magpaikut-ikot du’n, hindi nag-aaway ang mag-asawa na naririnig ng kanilang mga anak at kasambahay.

Ang gagawin ng mag-asawa ay paaandarin ang kanilang magarang sasakyan, ang mister ang magmamaneho, magkatabi sila ni misis sa harapan.

“Ikot lang sila nang ikot sa subdivision habang nag-aargumento sila. Mabagal lang ang takbo ng car, kapag matindihan na siguro ang away nila, itatabi muna ‘yun ni mister.

“Pagkatapos nang kalahati o isang oras, babalik na sila sa bahay, magkaayos na sila, tapos na ang boksing!” kuwento ng isang dating kasambahay ng sikat na mag-asawa.

Kaya uriratin man ang kanilang mga anak sa pagtatanong kung paano mag-away ang kanilang mga magulang ay walang masasabi ang magkapatid. Wala kasing nasaksihang away ng mag-asawa ang kanilang mga anak.

“Very discreet sila, hindi sila naglalabas ng dirty li­nens nila in public. Ayaw nilang pinangangalan­dakan ang away nila in public, ganu’n nila nirerespeto ang bawat isa.

Kahit nu’ng madiskubre ni misis na may kasabay pala siya sa puso ng mister niya at may anak na pala ang lalaki sa ibang babae ay wala rin silang ipinarinig na pag-aaway sa kanilang mga anak.

“Kaya nirerespeto sila ng mga anak nila, kaya nagkahiwalay man ang kanilang mga magulang ay walang problema sa mag-utol, wala silang kinakampihan.”

Forever. Ubos!

Awayang Annabelle at Ruffa nangangamoy Mommy Inday at Gretchen

Ayon  sa mga miron na nagpipista ngayon sa away ng mag-inang Tita Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez ay huwag naman sanang magtagal ang kanilang hidwaan.

Sana raw ay huwag matulad ‘yun sa away ng mag-inang Mommy Inday at Gretchen Barretto na dekada na ang binibilang, lumala na nang lumala ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ina, huwag naman daw sanang maging ganu’n ang nagaganap na away ngayon sa pagitan nina Ruffa at Tita Annabelle.

Mahahanapan natin ng katwiran ang kanilang mga argumento, nakikiusap lang ang anak na huwag naman sana siyang ipinapahiya ng kanyang ina sa harap ng maraming tao, ‘yun lang naman ang pakiusap ng aktres.

Si Tita Annabelle naman ay isang nanay na ang gusto para sa kanyang anak ay isang magandang kinabukasan, walang krimen du’n, dahil walang inang maghahangad ng hindi maganda para sa kanyang supling.

Kaya lang ay umalsa ang kanilang mga emosyon, nasobrahan ang pagsasalita ni Tita Annabelle, na masakit sa loob namang tinanggap ni Ruffa dahil kuwarenta anyos na siya ngayon.

Pero sa ilalim ng lahat ng istoryang ito ay pagmamahalan pa rin ang ating mahuhukay. Hindi lang kagandahan ang atake pero hindi maikakaila na mahal ni Tita Annabelle ang kanyang panganay at hindi rin gugustuhing mabuhay ni Ruffa na wala ang kanyang ina.

vuukle comment

ANAK

AWAY

KANILANG

KAYA

MAG

RUFFA

SILA

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with