^

PSN Showbiz

Alex pinalitan na si Carla sa pusong pamilya Eigenmann

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Close talaga ang magkakapatid at magpipinsang Eigenmann at pati sa pagbabakasyon, magkakasama sila. Nasa Hong Kong sina Gabby Eigenmann at pamilya nito kasama ang mga kapatid na sina Andi Eigenmann at Sid Lucero na bitbit ang GF na si Alessandra de Rossi. Naalala namin noong may relasyon pa sina Geoff at Carla Abellana, ‘pag nagbabakasyon ang pamilya ng binata o kahit nagtsi-check in lang sa hotel dito, kasama nila ang dalaga. Ngayon, si Alex ang lagi nilang nakakasama, maganda ito para ‘pag nagkatuluyan sila ni Sid, hindi na mahirapan si Alex sa pakikisama sa pamilya ni Sid.

Suportado rin ni Alex si Sid sa premiere night ng T’yanak. Dumating ito at nagkita sila ni Carla na sinuportahan naman si Tom Rodriguez.

Nag-cameo rin daw si Alex sa movie dahil sa BF at kina directors Peque Gallaga at Lore Reyes.

Pinagbibidahang pelikula ni Michelle palaban kay Juday

Freelancer ang status ni Michelle Madrigal ngayon dahil hindi ni-renew ng GMA-7 ang kanyang kontrata. Hindi raw niya alam kung ano ang nangyari sa pag-uusap ng network at ng manager niyang si Annabelle Rama, nalaman na lang niyang hindi ni-renew ang kontrata niya.

Dahil walang kontrata sa alinmang network, itinuloy na ni Michelle ang matagal ng balak na mag-enroll ng culinary studies sa Center for Asian Culinary Studies. Three times a week ang pasok niya, may time siyang mag-taping at gumawa ng pelikula.

Light ang schedule ni Michelle, kaya nagawa ang pelikulang Bacao ni director Boy Vinarao kapareha si Arnold Reyes at entry ng Oro De Siete Productions sa Sineng Pambansa Horror plus Film Festival. Mapapanood simula October 29, sa SM cinemas ang pelikula.

Sabi ni Michelle hindi siya nasaktan nang hindi i-renew ng GMA-7 ang kontrata niya. Mas nag-worry siya ng ilang buwan dahil inisip kung ano na ang mangyayari sa kanya. Nawala lang ang pamumurublema niya nang may mga project na dumating sa aktres.

Kasama rito ang Bacao na first time siyang magbida at maganda pa ang role. Pinag-uusapan din ang four love scenes nila ni Arnold Reyes. Pero pressured pa rin si Michelle dahil kasabay nila ang T’yanak ni Judy Ann Santos. Ang laban nila, hindi lahat ay gustong manood ng horror at hindi horror ang Bacao.

Rodjun ayaw mapahiya kay Sarah

Ang tambalan nina Sarah Lahbati at Rodjun Cruz ang magsasara sa Season’s of Love, ang rom-com short series ng GMA-7 at filler bago umere ang More Than Words nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Titled Wanted: Perfect Boyfriend ang episode nina Sarah at Rodjun sa direction ni Jun Lana at kinunan sa Bicol. Flattered si Rodjun dahil first time niyang nakatrabaho si Sarah, kaya ginalingan niya ang acting para hindi siya mapahiya.

Kundi kami nagkakamali, ngayon lang magbibida si Rodjun sa isang series at si Sarah nama’y ngayon lang uli magiging leading lady after ng Makapiling Kang Muli nila ni Richard Gutierrez.

Nash at Alexa loveteam pakakawalan na

Magagaling na aktor at aktres ang kasama ng magka-love team na Nash Aguas at Alexa Ilacad sa pagtatambalan nilang serye titled Bagito. Ito na rin ang magsisilbi nilang launching sa ABS-CBN. Nabanggit ang mga pangalan nina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino sa kanilang makakasama.

Sa husay ng mga nabanggit, gaganahan ding magtrabaho at ibigay ang best nila sina Nash at Alexa. Balik-ABS-CBN sa Bagito si Agot na huling napanood sa Carmela ng GMA-7.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALEX

ALEXA

ALEXA ILACAD

ANDI EIGENMANN

ARNOLD REYES

MICHELLE

RODJUN

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with