^

PSN Showbiz

Masyadong paimportante at masama ang trato sa mga katrabaho: Tumatanda nang character actor todo rin ang ka-demonyohan sa totoong buhay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siguradong nararamdaman na ngayon ng isang character actor ang pagliit ng kanyang mundo. Iilang istasyon lang naman ang kanyang iniikutan, pero gumagawa pa siya ng mga eksenang hindi nakatutuwa, kundi produksiyon ang nagrereklamo sa pagmamalabis niya ay ang mismong kaeksena niya.

Palabugnutin ang aktor. Konting pagkukulang lang ng produksiyon ay nagrereklamo na siya agad, pakiramdam yata ng character actor ay sikat na sikat siya, kaya kailangang sa kanya nakatutok ang lahat sa set. “May hihingin siya sa utility, kapag hindi naibigay sa kanya nang ora-orada, nakasinghal na agad siya. Mayabang siya, masyadong feeling!” banggit ng isang source tungkol sa nagkakaedad nang character actor.

Mahirap ding unawain ang kanyang ugali, wala siyang pakisama, masyado siyang makuwenta sa oras at hindi napakikiusapan. “Kunwari, alas dose nang hatinggabi ang cut-off niya, pero may naiiwanan pang isang eksena para maisarado ang sequence. Ano ba naman ang ilang minutong mababawas sa panahon niya? “Hindi niya ‘yun gagawin, aalis siya, kung ano raw ang kasunduan, ‘yun ang dapat tuparin! Kahit makiusap pa sa kanya ang production na maigsi lang naman ang eksena, e, wala siyang pakialam, aalis na talaga siya!” dagdag na kuwento ng aming impormante.

Inireklamo na rin siya ng isang aktres dahil sa ginawa niyang pagta-trash talk. Hindi kinaya ng aktres na dati niyang katrabaho sa pelikula ang ginawa niyang pagpaparinig at pagpaparamdam ng kabastusan.

Ang palagi niyang kasa-kasama sa set ang humihingi ng dispensa para sa kanya, may sakit daw kasi ang character actor, kaya mainitin ang ulo. Kaya bugnutin. Kaya bastos? Sayang, demonyong-demonyo pa naman siya kung umarte, pero hindi lang pala sa harap ng mga camera ang kanyang kademonyohan kundi maging sa tunay na buhay rin.

Ubos!

DJ Durano walang kasing ‘tapang’ sa showbiz

Pinakamatapang at pinaka may balls na artista ngayon sa aming pananaw si DJ Durano. Maaa­ring mas malalaki ang muscles ng ibang aktor kesa sa kanya, puwede ring mas may abs kesa sa kanya ang ibang hunk actors, pero pagdating sa pagiging totoo at mapanindigan ay walang tatalo kay DJ Durano.

Naging karelasyon niya nang mahabang panahon si Direk Wenn Deramas, kasal na lang ang kulang sa kanila kung tutuusin, aminado ang aktor na si Direk Wenn ang naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng magandang career. Walang pangako ang bukas, nagkahiwalay sila, may iba nang karelasyon ngayon ang direktor at si DJ naman ay may karelasyon nang babae.

Pero tulay pa rin ang nasa kanilang pagitan, hindi pader, nagrerespetuhan pa rin sila at nanatiling magkaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay. At ang pinakamagandang bahagi ng kuwento ay hindi itinatago ni DJ ang nakaraan nila ni Direk Wenn. Matinding pagtanaw ng utang na loob ang patuloy na pinahahalagahan ni DJ, pinasasalamatan niya ang direktor, isang matibay na barometro ng pagi­ging lalaking-lalaki.

Maraming lalaking personalidad na naging karelasyon din ng bading, pero sa halip na magpasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanila ay nagdedenay pa, parang diring-diri pa kapag iniuugnay ang kanilang mga pangalan sa beki.

Magmano sila kay DJ Durano na pinaninindigan ang kanyang ginawa, patuloy niyang pinasasalamatan ang taong may malaking naitulong sa kanyang mga pangarap, pinagmamanuhan ang isang tulad ni DJ Durano na nagpapakatotoo hindi lang sa publiko kundi maging sa kanyang sarili.

 

vuukle comment

ANO

DIREK WENN

DIREK WENN DERAMAS

DURANO

KANYANG

KAYA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with