^

PSN Showbiz

Juday hangang-hanga sa pagiging professional ni Solenn

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi kami nagpang-abot kahapon ni Solenn Heussaff sa sariling presscon niya. Umalis agad ako dahil it’s a must na early bird ako sa studio ng Startalk.

Dahil wala pa si Solenn, ang mga T’yanak director na sina Peque Gallaga at Lore Reyes ang nakakuwentuhan ko.

Parehong bilib na bilib sina Peque at Lore kay Solenn dahil wala itong arte sa katawan. Kahit puyat siya sa taping ng Ilustrado ng GMA-7, walang reklamo na naririnig mula kay Solenn kapag nasa set siya ng Tiyanak na official entry sa Sineng Pambansa  Horror plus Film Festival.

Sina Solenn, Judy Ann Santos, at Tom Rodriguez ang mga bida sa T’yanak na mapapanood sa lahat ng mga sinehan ng SM Mall starting October 29.

Ang sabi nina Peque at Lore, hindi sila nagkamali sa pagpili kay Solenn bilang isa sa mga bida ng T’yanak.

Nagustuhan ni Peque si Solenn at ang ugali nito nang magkasama sila sa Seduction, ang comeback movie ni Peque bilang direktor.

Hindi mahirap na katrabaho si Solenn dahil cowboy na cowboy ito. Dumarating siya sa set na mag-isa dahil hindi niya kailangan ng alalay. Siya rin ang makeup artist ng sarili dahil mahusay na makeup artist si Solenn.

Hindi lamang sina Peque at Lore ang bilib na bilib kay Solenn. Pati si Judy Ann Santos, hangang-hanga sa professionalism ni Solenn bilang artista. Never na nagbigay si Solenn ng problema sa mga co-star niya at sa production staff.

Peque Gallaga sumumpa sa bagong horror film

Matindi ang pakiusap ni Peque Gallaga sa publiko na panoorin ang T’yanak.

Madalas raw na sinasabi ng mga artista at mga direktor na maganda ang kanilang pelikula kaya dapat na tangkilikin ito.

Sumusumpa si Peque na karapat-dapat na panoorin ang T’yanak dahil talagang maganda ito.

Naniniwala ako kay Peque dahil siya ang direktor ng classic at award winning movie na Oro Plata Mata, isa sa pinakamagandang pelikula na napanood ko.

Tiyanak sa pelikula nina Juday at Solenn umaariba rin!

Hindi kami nagkita ni Solenn kahapon kaya hindi ko na-sight ang tiyanak na ginamit na props sa pelikula at kasa-kasama niya.

Parang sanggol na bitbit ni Solenn ang tiyanak na agaw-pansin dahil sa nakakakilabot na hitsura nito.

In fairness sa tiyanak, sikat na sikat ito dahil marami ang nagpapakuha ng litrato na kasama siya. Star na star na ang tiyanak na bidang-bida sa pelikula nina Judy Ann at Solenn.

Aktres minamanmanan ng misis ng mhin na nali-link sa kanya

Walang kamalay-malay ang isang aktres na under surveillance siya ng misis ng mhin na nali-link sa kanya.

Malakas ang kutob ng misis na may milagro na ginagawa ang mister niya at ang aktres.

Nang malaman ni misis na nag-dinner sa isang restaurant ang kanyang asawa at ang aktres, pinuntahan niya ang restaurant at nagtanong siya sa mga empleyado.

Walang impormasyon na nakuha si misis dahil tumanggi na magsalita ang manager at mga waiter ng restaurant.

At dahil sa kanyang pag-iimbestiga, nalaman tuloy ng mga tao ang pagbabantay niya kay mister.

May dahilan para maalarma si misis dahil naging malihim ang kanyang asawa na madalas na nakikita na kasama ng aktres sa mga restaurant na hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao.

Nakadagdag sa alalahanin ng misis na kahihiwalay lamang ng aktres sa asawa nito at ang kanyang mister ang “shoulder to cry on”.

vuukle comment

DAHIL

FILM FESTIVAL

JUDY ANN SANTOS

PEQUE

PEQUE GALLAGA

SIYA

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with