^

PSN Showbiz

Ayaw mag-solo sa kuwarto: Alex ayaw pang magpakasal si Toni!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pitong taon nang magkasintahan sina Toni Gon­zaga at Paul Soriano kaya inaabangan na rin ng lahat ng mga tagahanga kung kailan magpo-propose ng kasal ang binata sa aktres. Para sa kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, ay ayaw pa raw nitong mag-asawa ang kanyang ate. “Siyempre gusto ko si Paul na ang mapangasawa niya, pero kung kelan ‘yun, depende na sa kanila. Sana ‘wag pa muna. Kasi katatayo lang ng kwarto namin.

Bago pa lang eh kaya ayaw kong maiwan mag-isa,” pahayag ni Alex. Malapit na rin daw ang dalaga kay Direk Paul at botung-boto rin siya sa binata para kay Toni. “Gusto ko naman si Kuya saka ano na sila, seven years. Anytime pwede na naman sila. Matanda na sila. Hindi ko na sila kailangang gabayan,” paliwanag ni Alex.

Samantala, simula ngayon ay mapapanood na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang bagong season ng The Voice kung saan isa si Alex sa mga co-host ng programa kasama si Robi Domingo. Sina Toni at Luis Manzano ang main hosts nito.

Ellen handang maghubad sa pelikula

Nakahanda raw maghubad si Ellen Adarna sa isang pelikula kung talagang kinakailangan niyang gawin ito. Wala raw isyu sa aktres ang paghuhubad kung ikagaganda naman ito ng isang proyekto. “If it’s required sa role and the script is really good I will do it. Actually, dito lang naman sa Pilipinas na parang ano ‘yung mga tao, ‘Ay! Nag-nude siya,’ gano’n. In Hollywood it’s part of the craft. I mean if it makes me a better actor, why not?” paliwanag ni Ellen.

Kamakailan ay kumalat sa Internet ang hubad na larawan ng aktres na mula sa isang magazine pictorial. Nadismaya ang aktres sa pangyayaring ito kaya sa susunod ay magiging maingat na raw siya. “I think next time dapat may dala na kaming kontrata. On my part, it’s also my fault kasi walang kontrata. I felt violated but I got over it. I was professional, I did my job, I was on time there, I delivered. Unfortunately, someone didn’t do their jobs, so hindi ako ang may kasalanan. I don’t regret it. If anything I’ve learned kailangan next time may kontrata na pala,” giit ng sexy actress.
Samantala, napabalita rin ang pagkakaroon daw ng sex video ng aktres na kumakalat din sa Internet. Ayon kay Ellen ay hindi niya ito magagawa kahit nagpapaseksi siya sa mga proyekto. “Wala, sana lumabas na ‘yan matagal na. Wala talaga, praning ako sa mga ganyan. Hindi talaga, after all that happened, after sa mga scandals na ‘yan hindi talaga,” pagtatapos niya. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

DIREK PAUL

ELLEN ADARNA

IN HOLLYWOOD

LUIS MANZANO

PAUL SORIANO

PRIMETIME BIDA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with