^

PSN Showbiz

Mader gagawing makulay ang mundo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakasunod na bagyo ang ating dinanas.  Natural at normal lang na makatagpo tayo ng mga bagay na magbibigay-ligaya at kulay sa ating mundo.

Tutok lang sa programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT)  para malaman kung anu-anong bagay ang dapat gawin para magliwanag ang ating mundo.

Unang ipakikita ni Mader ang iba-ibang kulay na maaaring i-apply sa buhok para maiba ang ating kaanyuan.  Berde, asul, pula, pink, o orange at maaari ring paghaluin ang mga ito, sabihin mo lang at ito ang gagawin sa buhok mo ng mga parlorista sa Gandang Ricky Reyes Salon. 

Problema rin ang mga sakit sa balat lalo’t papalit-palit ang panahon.  Dadalhin tayo ng GRR TNT staff sa iba-ibang klinika na nagbibigay-lunas sa mga singaw, sugat at iba pang pangangati ng katawan. 

Siyempre, masarap rumampa kapag ika’y nag-aangkin ng makinis o flawless na balat.

Para sa nakakasawang buhay, ipapayo ni Mader ang pagbabakasyon sa labas ng siyudad na akma sa bonding kasama ng pamilya at mga kaibigan.

vuukle comment

BERDE

DADALHIN

GANDANG RICKY REYES SALON

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

MADER

MAGKAKASUNOD

PROBLEMA

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with