^

PSN Showbiz

Raymart tinitiis na hindi sustentuhan ang mga anak!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Inamin ni Marvin Agustin sa presscon ng pelikula niyang Maron 5.2 na balik-Kapamilya na naman siya.

May gagawin na nga raw siyang isang project sa ABS-CBN 2 pero hindi niya masabi kung si Jolina Magdangal nga ba ang makakasama niya.

Excited daw siya na muli raw niyang makatrabaho ang mga dati niyang katrabaho  at maganda raw ang concept ng project na gagawin niya.

PAK: Totoo bang P2M ang TF ni Ellen Adarna bilang calendar girl ng Ginebra San Miguel?

Tingin daw nila sulit sila kay Ellen dahil sa survey daw nila, walang ibang sexy star ang gusto ng mga kalalakihan kundi siya lang. Kaya kahit mataas pa ang budget niya, kakagatin nila dahil si Ellen daw ang isa sa pinakamalakas na mga sexy star sa ngayon at may hatak sa mga produktong ini-endorse niya.

Bagay naman daw si Ellen na mag-endorse at maging calendar girl ng naturang inumin dahil aminado naman ang sexy actress na high school pa lang ay talagang malakas na raw siyang uminom.

BOOM: May Throwback Thursday post si Raymart Santiago ng litrato nila ng dalawang anak nila ni Claudine Barretto na sina Sabina at Santino.

Sinabi lang niya na sobrang na-miss na niya ang dalawang bata, pero hindi pa niya muna sinusubukan na puntahan o kausapin sina Claudine para mahiram at pansamantalang makasama ang mga bata.

May kaso pa kasi silang hinaharap at kasalukuyang dinidinig pa ang tungkol sa support sa mga bata.

Kahapon ay nagkaroon uli ng hea­ring na dinaluhan ito ni Raymart.

Lagi kasing sinasabi ng kampo ni Claudine na hindi nagbibigay ng suporta si Raymart bilang ama.

Hindi ito pinapatulan ng aktor, dahil ang gusto niya ay legal na paaran na lang. Kung ano ang ibababang desisyon ng korte, susundin daw iyun ni Raymart.

Samantala, sa isang hiwalay na interview, nagsalita si Claudine na pakiramdam daw niya, hindi na siya kabilang sa pamilya ni Raymart kaya hindi ito dumalo sa burol ng kanyang mother-in-law na si Mommy Ling o Cielito Legazpi-Santiago.

vuukle comment

CIELITO LEGAZPI-SANTIAGO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAW

ELLEN ADARNA

GINEBRA SAN MIGUEL

JOLINA MAGDANGAL

NIYA

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with