^

PSN Showbiz

Diana nabuntis ng pari!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kapansin-pansin ngayon ang mas magandang hubog ng katawan ni Diana Zubiri sa kanyang pagbabalik-showbiz. Ayon sa aktres ay naging mapili na siya sa mga pagkain at puspusan din ang ginagawang workout para mapanatiling maganda ang pangangatawan. “Dati kasi bata pa ako parang okay lang, kaya ko pang pumayat. Ngayon, na-realize ko na mahirap pala magpapayat at this age. Siyempre mas na-appreciate mo talaga kumain nang maayos at mag-exercise. Mas na-realize ko na mas sexy ako ngayon,” nakangiting pahayag ni Diana.

Bida ang aktres sa indie film na Daluyong at patuloy pa rin daw ang kanyang ginagawang pagpapaseksi sa mga proyekto. “Lahat ngayon mas kaya kong gawin. Mas ready nga ako eh, ang tagal ko rin hindi gumawa ng mga ganitong projects. Mga seryosohan ngayon, mas ready ako harapin ito,” giit ni Diana.

Medyo sensitibo ang tema ng nasabing pelikula dahil ginampanan ng aktres ang isang babae na nabuntis diumano ng isang pari na ginampanan naman ni Allen Dizon. “Pelikula lang naman po ito, bilang artista, gusto lang naming bigyang buhay ang character namin. Hindi lang dahil gusto naming magpakontrobersyal o may gusto kaming saktan. May papupuntahan naman ang kwento at hindi lang basta pagpapakita ng kung ano man,” paliwanag ni Diana.

Umaasa rin ang aktres na maipalabas ang maiinit na eksena na kanyang ginawa rito. “Ang dami na kasing bawal ngayon. Sayang naman ang effort kung hindi naman ipapalabas. Maraming offers pero mamimili tayo kasi hindi na tayo masyadong bumabata. Kailangan bagay din sa akin ang gagawin ko,” pagtatapos ni Diana.

Luis lalayasan ang showbiz ‘pag naging mayor sa Lipa

Kabi-kabilang proyekto ang ginagawa ni Luis Manzano ngayon kaya hindi pa rin nakapagdedesisyon ang aktor kung papasukin pa ang mundo ng pulitika. “I had to move the deadline, sobrang dami kong ginawa eh. Nagbakasyon ako and everything. And I’m still talking to people. I’m still consulting kung anong kailangan in the first place, and if kailangan naman talaga. So I’m letting all the factors come into play. Then I’ll have a final decision,” pagtatapat ni Luis.

Titigil daw pansamantala ang aktor sa show business kung sakaling tatakbo bilang Mayor ng Lipa. “I would definitely have to slow down sa showbiz kung sakaling tumakbo ako. Kasi nga ang mga botante, ipagkakatiwala nila sa akin ang kabuhayan nila, health care nila, mga daan nila, trabaho nila. Napaka-unfair no’n kung kailangan nila lahat ‘yon tapos nagti-taping ako,” paliwanag ng binata.

Samantala, suportado rin daw ng kasintahang si Angel Locsin ang planong pagpasok ni Luis sa pulitika. “In fact no’ng lumalabas ‘yung mga isyu, tinanong niya ako. Sabi niya, ‘Kung tatakbo ka, ito magandang gawin diyan.’ Kasi she knows how to serve people and I would definitely listen to her,” giit ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ALLEN DIZON

ANGEL LOCSIN

DIANA ZUBIRI

KASI

KUNG

LUIS

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with