^

PSN Showbiz

DJ Durano gusto nang layasan ang showbiz, kakandidatong mayor sa 2016

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa second presscon ng Moron 5.2 The Transformation, naikuwento ni Direk Wenn Deramas na nakuha niya ang concept ng Viva Films movie sa karakter ni DJ Durano sa pelikulang idinirehe rin niyang Praybeyt Benjamin.

Tatanga-tanga ang karakter ni DJ at naisip niyang gumawa ng limang karakter na tanga. Nang hingan siya ng concept ni Mr. Vic del Rosario, ang naisip na concept ang nai-pitch at dahil uso noon ang Maroon 5, ginawa niyang Moron 5 ang title.

Maganda ang sagot nina Direk Wenn at DJ kung bakit naging madali sa kanila ang maging magkaibigan after magtapos ang kanilang relasyon. Nagsimula silang friends at binalikan lang nila. Maraming magagandang bagay na nangyari noong sila pa at naniniwala ang director na mabuting tao si DJ.

“Okay naman si Direk, mabait at ever since, friends kami. Siya ang gumawa kay DJ Durano at sa mga nagtatanong, lagi kong sinasabi na walang DJ kung wala siya. Until now, grateful ako sa kanya,” sabi ni DJ.

Nabanggit pala ni DJ na there was a time na binalak niyang umalis na sa showbiz dahil feeling niya, nagawa na niya ang gusto niya at gustong mag-shift ng ibang field. Ang field na tinutukoy nito ay politics dahil plano niyang tumakbong mayor sa Sogod, Cebu sa 2016.

Ang sister niya ang mayor ngayon doon at magtatapos na yata ang term nito, kaya siya naman ang kakandidato. Pero sabi ni DJ, depende pa rin sa takbo ng career niya ang pagpasok niya sa pulitika.

Celia rodriguez excited mag-ninang

Nakakatuwa si Celia Rodriguez sa kuwento niya tungkol kina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang makausap ng press sa taping ng Cain at Abel: Kalakal Boys Story episode ng Magpakailanman na mapapanood bukas, October 25.

Sabi ni Ms. Celia, nang una niyang malaman ang relasyon nina Dingdong at Marian, sinabi niya kay Ding­dong na ‘wag nang pakakawalan si Marian dahil kung pakakawalan pa nito ang fiancée, siya (si Ms. Celia) ang hahabol kay Ding­dong. Sagot ng aktor, hindi na niya pakakawalan si Marian.

Hindi na nagulat si Ms. Celia na kinuha siyang ninang nina Dingdong at Ma­rian dahil naging close siya sa dalawa mula nang makasama sa shows ng GMA-7. Si Dingdong nakasama niya sa I Heart U Pare at si Marian ay nakasama sa Darna.

Samantala, gagampanan ni Ms. Celia sa Magpakailanman ang role ng babaeng nag-ampon sa dalawang bata na ginagampanan ng GMA Artists Center talents na sina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix.

Pinuri ng aktres ang dalawa, mababait, magalang, at maganda ang pagpapalaki ng parents nila. Matutuwa siya ‘pag mas sumikat pa ang dalawa. Si Maryo J. delos Reyes ang director ng episode.

Barbie at Miguel pareho ng ‘script’ sa pagtatanggi sa kanilang relasyon

In fairness kina Miguel Tanfelix at Barbie Forteza, pareho ang sagot nila sa tanong namin doon sa picture ng girl na pinost ni Miguel sa Instagram (IG). Sinadya nitong i-blurred ang picture ng girl, pero halatang si Barbie at ang caption ay isa ang girl na ‘yun sa nagpa-special sa kanyang birthday.

Ang natatandaan naming sagot ni Barbie, hindi siya ang girl. Nagpaduda pa na sigurado raw ba kaming siya ‘yun? Hindi rin niya alam kung bakit sila nali-link ni Miguel, pero friends sila nito.

Ganito rin ang sagot ni Miguel nang ma-interview sa taping ng Cain at Abel: Kalakal Boys episode ng Magpakailanman. Hindi raw si Barbie ang girl at kaya blurred ang picture dahil ‘yun ang gusto ng girl. Clueless din siya kung bakit sila nali-link ni Barbie at friends lang daw sila. Pareho sila ng script ha!

Hindi naman siguro pagseselosan ni Barbie na crush si Miguel ni Marian Rivera at kinikilig si Miguel dito. Sabagay, si Barbie nama’y crush si Dennis Trillo.

Anak nina John at Janice nagti-train maging beauty queen

Nakita namin sa Instagram (IG) ni Jonas Gaffud ang picture ni Kaila Estrada, ang 18-year-old daughter nina John Estrada at Janice de Belen. Maganda ang dalaga at matangkad sa height nitong 5’7” at talent na ng Mercator.

Winelcome si Kaila ni Jonas sa Mercator at dahil may height at maganda, may mga nagtanong kay Jonas kung iti-train ba niya si Kaila na future beauty queen? Kung gusto lang mag-showbiz ng dalaga, puwede siyang lumapit sa ibang talent manager, pero sa Mercator ni Jonas siya pumunta.

Sabagay, puwede rin namang mag-showbiz muna si Kaila gaya ni Wynwin Marquez habang nagti-train at kung ready na, saka lalaban sa beauty pageant.

 

vuukle comment

BARBIE

JONAS

KAILA

KUNG

MAGPAKAILANMAN

MIGUEL

MS. CELIA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with