^

PSN Showbiz

Ellen pinalitan si Marian bilang calendar girl ng isang brand ng alak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ilu-launch ngayong araw si Ellen Adarna as the newest Ginebra San Miguel Calendar Girl 2015. Pinalitan niya si Marian Rivera na 2014 San Miguel Calendar Girl. Si Ellen din ang muse ng Barangay Ginebra sa opening ng  PBA Philippine Cup Season.

Siguradong super sexy si Ellen sa kanyang pictorial for Ginebra San Miguel Calendar, hindi siya pahuhuli sa mga sinundan niyang calendar girl.

Mga nakikisawsaw sa isyu sa nanay pinatulan ni Andre, niyayang makipag-lunch sa kanya

Maganda ang attitude ni Andre Paras sa mga sumasawsaw sa isyu nila ng kapatid niyang si Kobe Paras sa ina nilang si Jackie Forster. Sa halip na magalit at awayin ang mga nagbibigay ng unsolicited advice sa kanya na batiin at kausapin na nila ang kanilang ina, niyaya ni Andre na kumain ang followers niya.

“Please set a time and day when you guys are free to tell me about my life po. We can have lunch at Pancake House if you like,” post ni Andre.

Wala pang tumanggap sa invitation ni Andre sa mga niyaya, ang fans niya ang gustong maka-lunch siya, pero si Andre naman ang hindi pa sumasagot.

Samantala, matutuwa si Andre sa nabalitaan naming hindi lang hanggang second week ng January 2015 ang extension ng The Half Sisters, baka umabot pa raw sa March ang Afternoon Prime ng GMA-7 kung saan isa siya sa cast. Hindi lang happy ang Christmas at New Year ni Andre, pati na ang Valentine’s Day. Sayang lang at wala pa itong GF, wala pa siyang nobya na gagastusan.

Sabi ni Andre, nag-improve ang Tagalog niya dahil sa The Half Sisters, wish nitong  mag-improve na rin siya sa acting. Kuwento nito, kahit sa bahay nila, in character

pa rin siya, nakalimutan na raw niyang magpatawa.

Matteo nag-spandex para hindi ma-conscious sa kanyang bukol

Ang takot ni Matteo Guidicelli nang masama sa cast ng Moron 5.2: The Transformation dahil baka hindi siya makasabay sa husay sa comedy nina Marvin Agustin, Billy Crawford, Luis Manzano, DJ Durano, at John “Sweet” Lapus. Na-intimidate siya sa mga kasama, pero sinuportahan siya ng mga ito at tinulungan ni Direk Wenn Deramas.

Kaya ang takot ni Matteo ay napalitan nang pagpapasalamat, blessings sa kanya na kinuha siya ng Viva Films at isama sa blockbuster movie na showing sa November 5. Nag-enjoy siya doing the movie at lumabas ang pagkabata niya sa mga ginawa nilang pagpapakuwela.

May eksenang naging super heroes ang lima at nagsuot ng costume na sabi ni Matteo, tight na spandex. Okay lang sa kanya ang costume dahil kailangan. Wala siyang time ma-conscious lalo’t nakitang walang reklamo ang mga kasama.

Ruru at Miguel pagsasabungin sa aktingan

Malalaman na kung sino kina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix ang mas magaling umarte dahil first time nilang magsasama sa isang episode ng Magpakailanman.

May pamagat na Cain at Abel: Kalakal Boys Story ang episode at kung parehong magpapakita  ng husay sa acting, ang manager nilang si director Maryo J. delos Reyes ang mas matutuwa.

Nauna pa sina Ruru at Miguel na gumanap na Cain at Abel kina Alden Richards at Aljur Abrenica na dapat gagawa ng pelikula with the same title. Pero dahil sa problema ni Aljur sa GMA Network at GMA Artist Center, si Mark Herras na ang makakasama ni Alden sa movie.

Maganda sana kung pagsasamahin ng GMA-7 sa isang teleserye sina Ruru at Miguel at itambal kina Gabbi Garcia at Bianca Umali.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANDRE

ANDRE PARAS

HALF SISTERS

MATTEO

MIGUEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with