^

PSN Showbiz

Binoe aminadong numero unong kritiko ni Kylie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magkasamang dumalo sa premiere night ng pelikulang Dilim ang mag-asawang sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez bilang pagsuporta sa bida nitong si Kylie Padilla. Noong una ay hindi pa kaagad nagbigay ng pahayag si Binoe tungkol sa personal na buhay ng anak partikular na sa buhay pag-ibig nito. Sa halip ay si Mariel muna ang nagsalita tungkol dito.

Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Kylie at Aljur Abrenica kamakailan at ngayon naman ay napababalitang si Rayver Cruz na ang bagong nagpapatibok sa puso ng dalaga. “Wala kaming alam diyan. Basta nandito kami for the movie. Siguro lahat naman talaga, ‘yun ang gusto. Lahat ng magulang, gusto nila ang mga anak nila, career muna,” makahulugang pahayag ni Mariel. “Lagi naman akong critic niyan pero magandang klaseng critic. Siyempre magulang ako so kung ano ‘yung ikagaganda, ‘yun lagi ang sasabihin ko. Kapag pangit, sasabihin ko pangit,” dagdag naman ni Robin. Nakasuporta lamang daw palagi ang aktor sa lahat ng kanyang mga anak. “Nandito ako for Kylie, walang ibang magsasabi sa kanya kung ano ang tama at mali kundi magulang,” giit ni Binoe.

Samantala, abala ngayon ang aktor sa shooting ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Enchong ginastusan ang sariling album

Noon pa raw pinapangarap ni Enchong Dee na pasukin ang music industry. Masayang-masaya ang aktor ngayon dahil nailunsad na ang kanyang self-titled album. “Dream come true, sobra. From the start sabi ko, mas pangarap ko ‘yung naging pagkanta kesa ‘yung pagiging dancer or maging aktor. I am just so happy na nauna ‘yung pagiging aktor saka pagiging dancer. At least pagdating ngayon sa pagiging singer mas mapo-focus ko na ‘yung sarili ko sa pagkanta,” bungad ni Enchong.

Ang aktor din ang isa sa mga producer ng kanyang sariling album. Maraming mga bagay daw ang natutunan ni Enchong ngayong isa na rin siyang singer at producer.

Samantala, marami ring bumabatikos sa binata ngayon sa pagiging singer nito. “Actually, excited ako kapag may basher kasi mas maipiprisenta ko ‘yung sarili ko sa kanila, na bigyan n’yo ako ng chance na pakinggan n’yo ang music ko. Then from then on, saka kayo mag-comment and I am just so happy na from all the tweets, very rare, siguro once or twice na parang kinukwestiyon lang na ‘Huh? Kumakanta pala siya?’ that’s about it and ang ganda kasi ng first single na Chinito Problems kasi authentic siya. Kasi ako ‘yung nag-partner kay Yeng (Constantino) na Chinito so parang there will be no other singer to reply to the song except me. So mas naging smooth ‘yung pagpasok niya kasi ‘yung Chinito Problems ‘yung sagot niya,” paliwanag ni Enchong.                                       

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG UNANG PANGULO

CHINITO PROBLEMS

ENCHONG

ENCHONG DEE

KYLIE PADILLA

MARIEL

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with