^

PSN Showbiz

Napaiyak na lang sa sama ng loob, Young actor na isinakripisyo ang kaligayahan kinaliwa ng negosyanteng bakla

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naging maayos ang paghihiwalay ng isang young actor na produkto ng isang talent search at ng gay businessman na mahabang panahong nakarelasyon niya.

Discreet ang kanilang relasyon, maraming taga-showbiz ang may kamalayan tungkol sa kanilang pagmamahalan, pero bihira lang silang makitang magkasama.

Hindi lang ang kanyang pamilya ang tinulungan ng beki, pinag-aral pa siya nito sa isang maayos na kolehiyo, nakapagtapos naman ang young actor dahil sa kanyang pagsisikap.

Naging maayos ang kanilang relasyon nang mahabang panahon, hanggang sa isang araw, nalaman na lang ng young actor na may ibang bagets na palang pinagkakaabalahan ang beki.

Sisihin natin sa sitwasyon ang isang walang kaimik-imik na resibo mula sa isang sikat na appliance store, naiwanan ‘yun ng beki sa kuwarto nila ng young actor, nakita niya kung anu-ano ang mga ipinadeliber na appliances ng gay businessman sa young actor na kanyang pinagkakaabalahan.

Umiyak ang young actor, naging diretso siya sa kanilang relasyon, kahit nga ang pakikipag-girilfriend ay iniwasan niya dahil sa pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa kanyang karelasyong beki.

Ang katwiran ng beki, nagpa-finance lang kuno sa kanya ang tisoy na young actor, nag-abono lang ito pero babayaran din naman sa kanya ng nu’n ay nagkakapangalan nang aktor.

Nagdesisyon ang young actor na magpaalam na sa gay businessman, hindi na raw niya kayang pahabain pa ang isang relasyong pinasukan na ng pagdududa, sising-sisi ang beki dahil bukod sa guwapo na ang young actor ay marespeto pa at hindi materyoso.

Marami nang nakarelasyong artista ang gay businessman, ang iba’y sumikat at ang iba nama’y nagtangkang mag-artista, pero hindi nagtagumpay.

Ang young actor lang na pinagtapos nito ng kolehiyo ang nagtagal bilang karelasyon ng beki, kinainggitan ng maraming beki ang kanilang relasyon, pero nauwi rin sa wala.

Naging mapangahas kasi ang gay businessman.

Ubos!

Robin may oras sa pakiki-selfie sa fans

Hari ng selfie ang tawag ngayon ng marami kay Robin Padilla. Pagkatapos kasi ng taping ng Talentadong Pinoy na iniho-host nila ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez ay hindi muna umaalis sa studio ang makarismang action star-TV host.

Hinahawakan niya ang mikropono, siya mismo ang nananawagan sa studio audience na ihanda na ang kanilang mga camera at telepono para sa kanilang picture taking, binibigyan nang sapat na panahon ni Robin ang kanyang mga tagahanga na makasama niya sa retrato.

“Napakalayo niya sa ibang hosts na kapag tapos na ang trabaho sa stage, e, agad nang aalis para umuwi. Gusto man silang makasama sa picture ng mga fans nila, e, hindi puwede, dahil nagmamadaling umalis ang idol nila.

“Du’n ibang-iba si Robin. Kasama sa trabaho niya bilang host ng Talentadong Pinoy ang pakikipag-selfie niya sa mga fans niya. Si Robin pa mismo ang kumukuha ng picture, ipino-post pa nga niya ‘yun sa Instagram nila ni Mariel,” papuri ng staff ng show sa kanilang sinserong host.

Sa mismong programa ay kitang-kita ang pagiging makatao ni Robin, siya mismo ang humingi ng permiso sa produksiyon nu’ng inuupuan pa lang nila ang Talentadong Pinoy na bigyan siya ng kapasidad na magligtas ng kalahok, ‘yun ang power na hiningi niya sa mga ehekutibo ng TV5.

Pagdating sa aspeto ng pagiging makatao at masang-masa ay wala pa ring kakabog kay Robin Padilla.

vuukle comment

ACTOR

BEKI

ISANG

KANILANG

LANG

NIYA

ROBIN PADILLA

TALENTADONG PINOY

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with