^

PSN Showbiz

Matteo nakonsensiya nang makulong si Billy

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Never na palang tumikim ng alak si Billy Crawford matapos siyang mapahamak sa sobrang kalasingan kamakailan.

Kuwento ng mga kaibigan niyang sina Luis Manzano and Matteo Guidicelli mas madalas na itong nasa gym ngayon at ‘di na talaga gumigimik.

At alam n’yo ba si Matteo rin pala ang kasama ni Billy nang gabing malasing ang singer/actor na boyfriend ni Coleen Garcia at magwala sa police station? So totoo bang siya (Matteo) ang nagpainom at nang malasing ang kaibigan ay nilayasan niya?

“Hindi naman ako. Meron kaming isang kaibigan na kasama. Hindi ko alam na may nangyari. Umuwi na ako pagkatapos. Pag gising ko, natanggap ko ang tawag ni Luis sabi niya manood ka ng news,” recalled Matteo kahapon sa general presscon ng Moron 5.2 The Transformation over lunch.

Gulat na gulat daw si Matteo nang mapanood niya ang mga balitang nangyari sa kaibigan. Pero mas nauna raw pumunta sa Taguig Police Station si Luis dahil nag-aalala sila sa kaibigan. “I felt sort of responsible dahil we are one group. But he is good now, ok na ok na siya,” dagdag ni Matteo kung saan nangyari ang insidente after ng Star Magic Ball.

At after pala na lumabas ng kulungan ni Billy ay agad nitong binalikan ang shooting ng Moron 5.2 na ibinuko ni Direk Wenn Deramas na umiyak pa si Matteo nang hindi siya kausapin ni Billy pagdating nito sa shooting.

Kuwento ni Direk Wenn talaga raw kahit anong tanong ni Matteo hindi raw talaga sumasagot si Billy.

Eh ‘yun pala, kinutsaba na ni Billy lahat sila sa set na magpe-pretend siyang galit kay Matteo at kunwari ay hindi siya kikibo. So talagang kahit anong kausap ni Matteo, hindi nagre-react si Billy.

Pero hindi na nakatiis si Direk Wenn at sinabi na niyang joke lang ‘yun.

Bukod sa isyu kay Billy natanong din si Matteo tungkol sa kuwento na nganga ang kanyang sex life lalo na nga’t madalas siyang asarin nina Luis at Billy.

Hindi ba ito naging big deal sa karelasyon?

 “Hindi. Everything was well, I answered it the best I could, so okay naman lahat,” katuwiran ng aktor na bagong member ng Moron 5.2.

Wala rin siyang idea kung nagalit ba sa kanya si Mommy Divine pag napag-uusapan ang kanyang sex life.

“Hindi ko po alam, eh. You know I have nothing to say about that, kasi as much as possible, I don’t want to talk about it ‘di ba, kasi siyempre, after the presscon, everybody’s gonna say na naman na “bakit kailangan pang pag-usapan ni Matteo si Sarah?” and all that stuff.

“As much as possible, I want to keep quiet na lang about it talaga,” say ni Matteo.

Dagdag pa ng aktor, hindi siya nao-offend kung may ilang nag-aakusang ginagamit niya ang girlfriend. Hindi raw ‘yun totoo so walang reason para maapektuhan siya.

At any rate, showing na sa November 5 ang Moron 5.2. Aside from Luis, Billy and Matteo kasama rin sa movie si Marvin Agustin and DJ Durano directed by Wenn Deramas for Viva Films.

Marvin, inaming babalik nga sa kapamilya

Balik-ABS-CBN na nga si Marvin Agustin. Kinumpirma na ito ng aktor kahapon. At ang magdidirek ng unang project niya sa pagbabalik sa kanyang pinagmulan, si Direk Wenn Deramas ng Moron 5.2.

Pero ayon kay Direk Wenn hindi pa niya alam kung kasama si Jolina Magdangal. Naunang nabalita na ipapalit ang dating magka-loveteam sa iiwang timeslot ng Be Careful with My Heart. “Ako honestly hindi ko pa alam, hindi pa nila ako binabalikan, hindi pa nila ako binabalitaan. Pero napakaganda siguro kung mangyayari ‘yon, hindi ba? Throwback na throwback,” sabi ni Direk Wenn.     

vuukle comment

BILLY

DIREK WENN

LUIS

MARVIN AGUSTIN

MATTEO

PERO

WENN DERAMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with