^

PSN Showbiz

Jeron at Jane, may relasyon na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Muling nagkasama sina Jeron Teng at Jane Oineza noong Linggo sa isang get together para sa opisyal na fan group ng dalawa na JaRon. Masayang-masaya raw ang basketball player dahil ngayon lang niya naranasan ang isang showbiz event na katulad nito. “I’m really overwhelmed. I really didn’t expect this at all. When I got here parang wow, it was really a shock for me na may mga set-up pa with all the balloons. And happy naman ako kasi siyempre now I found out that there are people like them supporting me,” pagbabahagi ni Jeron.

Kamakailan ay napabalitang mayroong mutual understanding o magka-M.U. na raw ang dalawa. “’Yung definition ko kasi ng M.U. is that we both understand our situation and we both know that we’re focusing on our careers first. ‘Yun ang pina-prioritize namin and we have a mutual understanding about that. We still talk, we talk a lot and magka-text kami. No rush naman dahil we’re both still young. Inuuna namin talaga ‘yung career namin,” paglilinaw ni Jeron.

Masaya raw ang pamilya ng binata para sa kanila ni Jane. “Happy sila sa akin. Nababaitan talaga ‘yung family ko sa kanya. When I was in the hospital for dengue a month ago, Jane vi­sited me with her mom. That’s why when she met my family, na-meet siya ng mom ko, sabi niya mabait daw talaga. Late na ‘yun and she came from work pa. Tapos she went straight to the hospital pa,” kwento ng basketbolista .

Kylie kailangan pa ng oras bago sagutin si Rayver

Simula ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Dilim na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Rayver Cruz. Sinasabing si Rayver daw ang pinakamalapit na lalaki nga­yon sa puso ng aktres. “Maituturing ko siyang totoong kaibigan hindi lang showbiz friend. Para sa akin po kasi parang ang bilis. Ayoko naman po tumalon sa relasyon agad. Siguro po naghihintay sila na magkwento ako eh wala pa po ako maikukwento,” nakangiting pahayag ni Kylie.

Para sa dalaga ay naiiba raw si Rayver kumpara sa ilang lalaki na kanyang nakilala. “Hindi ko po makita ang ego niya. Usually po ‘di ba ang lalaki ang ego malaki, sa kanya wala, breath of fresh air. Marunong siya makinig, kasi ang babae madaldal tapos minsan nakakatamad ng makinig tapos siya mayroong patience,” paliwanag ni Kylie.

Naging kontrobersyal ang hiwalayan ng aktres at dating kasintahan na si Aljur Abrenica kaya naman hindi pa raw handa si Kylie na muling pumasok sa isang relasyon. “Hindi po kasi naging maganda ang paghihiwalay kaya binibigyan ko pa ng time, marami po kasing phases eh. Kung gusto ko pa balikan hindi  na, pero may mga bagay na hindi ko pa maintindihan kaya kailangan ko pa ng time,” makahulugang pahayag ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

AYOKO

JANE OINEZA

JERON

JERON TENG

KYLIE PADILLA

RAYVER

RAYVER CRUZ

WHEN I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with