^

PSN Showbiz

Regine kontrang maging OMB Chairman si Ogie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang performance ni Ogie Alcasid bilang presidente ng Orga­nisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM). Napababalitang gusto rin diumano ni Ogie na maging chairman ng Optical Media Board (OMB). Hindi naman daw payag ang asawang si Regine Velasquez kung totoo man ang plano ni Ogie. “Sabi ko ayoko, okay na siya doon where he is. Actually ‘yung politics I’ve already asked him many times and he said that he is really not interested, but I said to him, if ever he decides to run for anything, I will support him. It doesn’t necessarily mean na I am for it,” paliwanag ni Regine.

Samantala, madalas din ang pagpo-post ng Songbird ng mga photos at videos ng kanilang anak na si Nate sa Instagram. Bibung-bibo ang bata kaya marami ang nagtatanong kung payag ba si Regine kung sakaling pasukin din ng anak ang show business. “Kung ako ayoko. Gusto ko sana na makatapos siya ng pag-aaral but then hindi mo naman ‘yon mapipigilan dahil nasa dugo niya ‘yun eh. But then dahil dalawa kaming nandito na, iyon ang pinakaayaw namin sana na pasukin niya. But then, ang hirap naman siya pigilan. Basta ako whatever what he wants to do, we will support it. Mahilig siya sa music but he is too young for me to say na iyon na ang gusto niya gawin,” giit ni Regine.

Nadine six months lang ang relasyon bago nagpakasal

Kamakailan ay napanood si Nadine Samonte sa Maalaala Mo Kaya kung saan nakapareha ng aktres si JM De Guzman. Ngayong nagbabalik-showbiz ay mayroong malaking rebelasyon si Nadine. Mag-iisang taon na palang kasal ang aktres sa anak ni Isabel Rivas na si Richard Chua. “Nagkakilala kami, after a week, naging kami. Tapos after three months, nag-propose siya in a building. After six months, we got married,” kwento ni Nadine.

Ginanap ang kanilang pribadong kasal sa mismong farm ni Isabel sa Zambales. Ginusto raw ni Nadine na huwag munang ipaalam sa publiko ang nangyaring kasalan. “We’re waiting for the right time. Halos lahat nga ng family ko ay wala rin do’n, iilan lang. Nando’n din ang family niya pero hindi kumpleto lahat. ‘Yun nga, para ma-enjoy namin ‘yung privacy,” paliwanag ng aktres. “Pati mga ninong at ninang, mga close rin naming lahat, kaya wala talagang nagsalita. Na-keep din nila lahat. Walang media, walang naglabas ng pictures,” dagdag pa niya.

Unang nag-honeymoon ang mag-asawa sa Hong Kong at nakatakdang lumipad patungong Bali, Indonesia sa October 28 para sa kanilang pangalawang honeymoon. Mayroon daw magandang balitang ipapaalam si Nadine sa publiko sa October 30 na siya ring unang anibersaryo ng mag-asawa. “Hintayin n’yo na lang, may announcement kaming gagawin sa October 30. Basta ngayong October, ilalabas naman naming lahat. Basta mag-abang na lang kayo sa social media,” pagtatapos ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DE GUZMAN

HONG KONG

ISABEL RIVAS

MAALAALA MO KAYA

NADINE

NADINE SAMONTE

OGIE

OGIE ALCASID

OPTICAL MEDIA BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with