^

PSN Showbiz

Dapat matutong mag-makeup Valerie Weigmann haggard na haggard na ang hitsura

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi totoo ang press release ni Rita Avila sa Walang Tulugan with the Master Showman noong Sabado na hindi siya nagplano na maging artista. Sumali si Rita sa auditions ng Student Body noong 1982 at naging extra siya sa Relasyon, ang pelikula ng pumanaw na direktor na si Ishmael Bernal.

SCENE: Ang Student Body ang hindi natuloy na pelikula ni Ishmael Bernal sa Regal Films. Ang tunay na pangalan na  Ana Marie Errea ang gina­gamit noon ni Rita at dalawa sila ni Cesar Montano na kasali sa auditions ng Student Body na ginanap sa old LVN studio sa P. Tuazon St.,Quezon City.

SEEN: Si Justice Secretary Leila De Lima at ang kanyang apat na  bodyguard na namamalengke kahapon sa weekend mar­ket sa Eton Centris. Katerno ng damit ni De Lima ang red shirts na suot ng mga bodyguard na taga-bitbit din ng kanyang black bag.

SCENE: Gumamit ng fat suit si Xian Lim sa mga eksena niya sa Past Tense, ang  Star Cinema movie na tinatampukan  nila nina Kim Chiu at AiAi delas Alas. Showing sa mga sinehan sa November 26 ang Past Tense.

SEEN: Sa December 14 pa ang laban ni Valerie Weigmann sa Miss World 2014 pero haggard-looking na siya sa mga television guesting niya. Dapat pag-aralan ni Valerie ang wastong application ng makeup sa mukha upang hindi siya magmukhang matanda kesa sa kanyang tunay na edad.

SCENE: Pinabagsak si Nonito Donaire, Jr. ni Nicholas Walters sa Round 6 ng kanilang WBA Featherweight Unification Fight sa StubHub Center, Carson, California noong Sabado. Walang dahilan para mag-rejoice at sumali sa mga interbyu ang kanyang misis na si Rachel.

SEEN: Hindi nakadalo si Amy Perez sa relaunch ng Palibhasa Lalake sa Eastwood Central Plaza noong Sabado dahil masama ang kanyang pakiramdam. Original cast member si Amy ng Palibhasa Lalake, ang old sitcom ng ABS-CBN na muling mapapanood sa Jeepney TV, ang throwback cable channel ng Kapamilya Network.

SCENE: Nauna ang billing ng pangalan ni Angeline Quinto sa pangalan ni Assunta de Rossi sa mga poster ng Beauty In A Bottle.

vuukle comment

AMY PEREZ

ANA MARIE ERREA

ANG STUDENT BODY

ISHMAEL BERNAL

PALIBHASA LALAKE

PAST TENSE

SABADO

STUDENT BODY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with