^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian ‘di naniniwala sa Feng Shui, mas malakas ang pananampalataya sa Diyos

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ayaw ni Mother Lily ng nega kaya huwag na raw gawing isyu ang billing sa pelikulang Dilim.

Tingin kasi namin naapi talaga si Joross Gamboa dahil second line na nga lang ang pangalan niya, nauna pa sa kanya sina Natalie Hart at Ella Cruz.

Marami naman ang nakakakilala kay Ella, pero sino nga ba si Natalie? Kahit gamitin pa rin ang unang screen name nitong si Princess Snell, dapat na mas nauna pa rin sa kanila si Joross.

Kapag mapapanood daw ang kabuuan ng pelikula na magsu-sho­wing na sa October 22, malalaman naman daw kung sino ang may mas malaking role.

Pero kahit na, hindi dapat ihinuli si Joross na kabilang naman sa mga maraming box-office hits na pelikula.

PAK: Ikinuwento ni Nova Villa sa presscon ng pelikulang 1st Ko si 3rd na nagpaparamdam daw si Tia Pusit, at hindi naman daw sila natatakot.

Ang ikinatuwa lang daw ni Nova ay naayos ang lahat ng naiwang problema ng pagpapa-hospital ng kanyang kapatid.

Naayos na raw nila ang natirang P1.5M na utang sa hospital. Nag-ambag-ambag daw sila sa pambayad at marami naman daw ang tumulong para mabuo nila ang naturang halaga at mabayaran na ang balanse nila sa hospital bill.

BOOM: Ayaw magpaapekto ng magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga humuhulang malas daw ang araw ng kanilang kasal na December 30.

Ayon kay Dingdong, mas buo raw ang pananampalataya nila sa Diyos, at doon sila nananalig, hindi sa mga hula at Feng Shui.

Saad ng Kapuso Primetime King: “Before sumusunod din kami sa mga ganyang pamahiin. Sinubukan din namin pero ang pinakamahalaga naman kasi ang commitment mo sa Pa­nginoon kahit anong petsa pa ‘yan eh ‘di ba?

“At ang totoong buhay naman mangyayari pa after that day so everything kung ano man ang mangyari sa relationship ‘nyo will be defined after that day so kailangan talaga mas double time double effort at saka tulungan lang talaga eh hindi lang naman one way ‘yan.”

vuukle comment

AYAW

DAW

DINGDONG DANTES

ELLA CRUZ

FENG SHUI

JOROSS

JOROSS GAMBOA

KAPUSO PRIMETIME KING

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with