^

PSN Showbiz

Kantang Anak ni Ka Freddie ginamit sa trailer ng Gangnam 1970 ni Lee Min-ho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagkaroon ng mga free publicity sa Pilipinas ang Korean movie na Gangnam 1970 dahil ginamit sa trailer nito ang Anak, ang classic hit song ni Freddie Aguilar. Starring sa Gangnam 1970 ang Korean actor na si Lee Min-ho na sikat din sa Pilipinas.

Gangnam ang pangalan ng sikat na lugar sa southern part ng Seoul, Korea. Naging bukambibig at nakilala sa buong mundo ang Gangnam dahil ito ang pamagat ng monster hit song ng Korean pop singer na si Psy, ang Oppa Gangnam Style.

Showing sa mga sinehan sa South Korea ang Gangnam 1970 sa susunod na buwan. Ang mga Pinoy na naninirahan at working sa South Korea na nakapanood sa trailer ng pelikula ni Lee Min-ho ang unang nakapansin sa ginamit ng kanta ni Ka Freddie.

Take note, ang Pinoy version ng Anak ang mapapanood sa trailer ng Gangnam 1970, hindi ang Japanese o ibang version ng kanta na sumikat nang todo sa international music scene.

Enzo nakisiksik sa PBA opening para kay Pacman

Namataan si Enzo Pineda sa PBA opening ce­remonies na ginanap kahapon sa Philippine Arena.

May valid reason ang pag-apir ni Enzo sa opening ceremonies ng PBA, ang tatay niya na si Eric Pineda ang team manager ng Kia Sorento.

Si Eric ang business manager ni Manny Pacquiao na playing coach naman ng Kia Sorento.

Dumalo si Enzo sa pagbubukas ng bagong season ng PBA bilang suporta sa basketball team ng tatay niya at ni Papa Manny.

Napuno ng tao ang Philippine Arena dahil sa PBA at nagtayuan ang audience nang i-announce ang pagdating at pagpasok sa arena ng team ng Pambansang Kamao.

Second bridal shower sa isang spa ni Marian natuloy na, mga dating kasama sa teleserye ang ka-join

Natuloy kahapon ang second bridal shower para kay Marian Rivera na ginanap sa isang spa sa The Fort.

Mga close friend ang invited sa second bridal shower, ang mga kapwa artista na nakatrabaho noon ni Marian sa mga teleserye niya sa GMA-7.

Tiyak na masusundan ang mga bridal shower para kay Marian dahil sa December 30 pa ang altar date nila ni Dingdong Dantes.

Pangarap ni Christian na maging dancer iniregalo ni Marian sa birthday ng singer/actor

Kahapon, October 19, ang actual birthday ni Christian Bautista.

Napanood sa Marian at sa Sunday All Stars ang magkasunod na araw na birthday celebration ng 33-year-old singer/actor.

Natupad ang pangarap ni Christian na maging dancer dahil binigyan siya ng mahaba na production number sa dance show ni Marian noong Sabado.

Naitawid ni Christian nang maayos ang pagsasayaw dahil simple lang ang mga dance step na ipinagawa sa kanya. Hindi napigilan ni Marian ang matawa habang pinapanood niya ang bigay na bigay na pagsasayaw ng kanyang co-host.

Mag-concentrate na lang daw sa pagkanta Jessica inulan ng batikos ang pagrampa sa fashion show

Nanghilakbot ang fans ni Jessica Sanchez nang rumampa ito sa isang fashion show sa U.S.A.

Si Jessica ang starring sa finale ng fashion show pero hindi positive ang mga feedback.

Mag-concentrate na lang sa pagkanta ang unsolicited advice kay Jessica ng kanyang mga tagahanga dahil hindi kaayaaya sa paningin ang pagrampa niya.

Hindi type ng fans ni Jessica ang gown na ipinasuot sa kanya ng designer. Ang feeling nila, nagmistulang parachute na hindi bumukas kaya bumagsak sa isang stage ang Fil-Am singer na nakilala nang mag-join sa American Idol noong 2012.

vuukle comment

ENZO

GANGNAM

JESSICA

KIA SORENTO

LEE MIN

MARIAN

PHILIPPINE ARENA

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with