^

PSN Showbiz

Amazing Race Philippines 2 at Wattpad Presents inilipat ng timeslot!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Due to insistent public demand, ililipat ng Kapatid Network ang kanilang mga flagship programs na The Amazing Race Philippines 2 at Wattpad Presents sa late primetime slots simula sa susunod na linggo (Lunes, October 20). Mapapanood na ang The Amazing Race Philippines 2 tuwing 9:00pm gabi-gabi, samantalang mapapanood naman ang Wattpad Presents tuwing 9:30pm, Lunes hanggang Biyernes.

“Marami kasi kaming mga natatanggap na feedback sa mga viewers na nagsasabing hindi na daw nila naaabutan ‘yung mga palabas pagdating sa bahay nila. Madalas, naiipit sila sa traffic at madaming oras ang nauubos sa biyahe nila pauwi. Ito yung mga viewers na gusto talagang mapanood yung programa, pero pag-uwi nila sa bahay, tapos na. Kaya naman nag-desisyon kaming ilipat ang The Amazing Race Philippines sa 9PM at ang Wattpad Presents sa 9:30PM timeslots para mas ma-enjoy sila ng mga viewers,” pahayag ni TV5 Chief Entertainment Content Officer Wilma V. Galvante.

As of press time, sabik na sabik ang mga viewers at fans ng The Amazing Race Philippines na malaman kung sino ang matatanggal sa ikalawang leg ng karera. Talaga namang challenging ang nasabing leg dahil naipakita dito kung paanong nagkakalamat ang teamwork at strategies ng mga teams sa kanilang pagharap sa mga di inaasahang mga challenges. Notable kung paanong na-penalty ng 4 na oras ang team Sexy Besties na sina RR Enriquez at Jeck Maier­hofer matapos mag-quit si Jeck sa wall-climbing task na kailangan nilang lampasan upang marating ang isang bote ng Summit Natural Drinking Water na magbibigay sa kanila ng clue para sa kanilang susunod na task. Nakita rin ang bangayan ng team Pinay World Champs Luz McClitton at Gretchen Albaniel matapos silang maging last placer sa sunod-sunod na challenges ng leg na ito. Natunghayan din ng mga manonood ang naganap na trayduran sa mga teams sa kanilang unang U-Turn mark kung saan kailangan nilang bumoto ng kalabang team na pababalikin sa naunang Detour mark para gawin muli ang isang challenge. Sina team Mr. Pogi JP Duray at Kelvin Engles ang unang nakaranas na ma-U-Turn ng mga kalabang teams. Ang mananalo sa leg na ito ay magkakamit ng P200,000 cash prize courtesy of Shell V Power Nitro Plus.

Samantala, tuloy naman ang romantic-comedy TV adaptations ng mga sikat na Wattpad novels sa TV5. Sa Lunes mapapanood ang much-awaited TV adaptation ng Wattpad love story na Dyepni, tampok ang mga real-life sweethearts – at ngayo’y married couple na pala – na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia. Sa nakaraang media launch ng second batch of stories ng Wattpad Presents ay inilahad nina Alwyn at Jennica ang detalye ng kanilang sikretong pagpapakasal noong Pebrero 12 sa Victory Church Greenhills. Dahil ang Wattpad Presents: Dyepni ang unang proyektong pagtatambalan ng mag-asawa sa telebisyon, minabuti nilang magkasamang ilahad sa lahat ang katotohanang sila ay married couple na. Isinulat ng Wattpad author na si pajama_addict at nagkamit na ng halos 2 milyong mambabasa sa Wattpad, ang  Dyepni ay isang kilig na kwento tungkol kina Nialla (Jennica Garcia) at Jeffrey (Alwyn Uytingco) at sa kanilang love story na nagsimula sa kanilang biyahe sakay ng pampasaherong dyip.

Huwag palampasin ang back-to-back tandem ng reality, action, love at adventure sa bago nitong timeslot simula sa susunod na linggo. Ang The Amazing Race Philippines 2 ay mapapanood gabi-gabi tuwing 9:00PM at susundan naman ng Wattpad Presents: Dyepni pagsapit ng 9:30PM, Lunes hanggang Biyernes, sa TV5!

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

AMAZING RACE PHILIPPINES

ANG THE AMAZING RACE PHILIPPINES

BIYERNES

DYEPNI

JENNICA GARCIA

WATTPAD

WATTPAD PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with