^

PSN Showbiz

Asawa ni Lovi Poe nakapatay!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpamalas na ang Kapuso Premier Drama Actress na si Lovi Poe ng kanyang galing sa pag-arte bilang Shiela Salazar-Real, ang pangalawang asawa sa recently concluded primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real. Ngayon naman, isang bagong Lovi muli ang kanyang ipakikilala—bilang nag-iisang asawa ng isang lalaking makakapatay ng dahil sa pagmamahal sa kanya. 

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, Lovi plays the role of doting wife Arlene dela Cruz (hindi tunay na pangalan). Maganda si Arlene, at hindi kataka-taka na pagnanasaan ito ng mga masasamang loob. Ang hindi lang niya inakala ay may magtatangka talagang humalay sa kanya—na siyang mangyayari habang brown out sa kanilang lugar. 

Ngunit maililigtas siya ng kanyang asawang si Obet, na gagampanan ni Benja­min Alves.

Mapapatay ni Obet ang lalaking mam­ba­bastos kay Arlene at dito magsisimula ang mga masasalimuot na pangyayari sa pagsasama nila. Dahil masasampahan ng kaso si Obet at ikukulong ito.

Paano lalagpasan ni Arlene ang mga pagsubok na dala ng pagtatanggol sa kanya ng asawa? Magagawa ba niyang magpakatatag para sa kanyang pamilya? 

Itinatampok din sa episode na pinama­ga­tang Krimen sa Ngalan ng Puri sina Odette Khan at Joko Diaz.

Mula sa direksyon ng batikang director na si Joel Lamangan, alamin ang kuwento ng buhay ni Arlene at ng kanyang asawang si Obet ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Marian sa GMA7.

 

 

vuukle comment

ARLENE

DRAMA ACTRESS

JOEL LAMANGAN

JOKO DIAZ

LOVI

LOVI POE

MAGPAKAILANMAN

MRS. REAL

OBET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with