^

PSN Showbiz

Piolo umaming may sinirang pangako sa anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi raw inakala ni Piolo Pascual na ilalabas ng E! News Asia ang tungkol sa kanila ng dating kasintahan na si KC Concepcion. Matatandaang nagkahiwalay ang dalawa noong 2011 at kamakailan ay umere ang tungkol dito sa nasabing programa kung saan na-feature si Piolo. “As much as possible ayaw ko nang magsalita about it. We didn’t know what was going to come out. When I was interviewed, no, no, no anything about her (KC). I didn’t know that they were going to release it. I said what I said. Huwag na nating palakihin ‘yon,” seryosong pahayag ni Piolo.

Hindi raw sang-ayon ang aktor sa ginawang pagpapa-interview ni KC noon sa programang The Buzz tungkol sa kanilang hiwalayan. “Either way, she was going to come out with it, and you know what I felt? I felt bad for her because she didn’t have to resort to that. I still love her with all my heart, but it’s just something that she did that I wish she didn’t do,” pagtatapat ni Piolo.

Samantala, ngayon ay wala pa ring bagong kasintahan ang aktor. Mayroon daw kasi silang kasunduan ni Iñigo na maaari lamang siyang makipagrelasyon kapag nag-18 years old na ang anak. “I kinda broke his heart before because I promised him something and I didn’t do it. So after that, I said I’m keeping my word up until you’re 18. That’s the only time I’ll get into a relationship so I’m keeping my word. So whoever I choose when the time comes nasa akin na ‘yon. Hindi naman siya ang makikisama,” paliwanag ni Piolo.

Kaye malapit pa rin sa pamilya ni Chito Miranda kahit ikakasal na sa iba

Masaya raw si Kaye Abad para sa dating kasintahan nitong si Chito Miranda dahil nalalapit na ang pagpapakasal nito kay Neri Naig. Ilang taon ding nakarelasyon ni Kaye ang bokalista ng Parokya ni Edgar at nanatiling magkaibigan ang dalawa pagkatapos maghiwalay. “Masaya ako for them. ‘Yun ang lagi kong sinasabi na masaya ako na they deserve a happy ending talaga sa lahat nang pinagdaanan nila. Finally eto na, happy ending sila. So masaya ako for them,” nakangiting pahayag ni Kaye.

Wala raw problema sa dalaga sa tuwing tatanungin siya tungkol sa mga dating nakarelasyon dahil kaibigan niya ang lahat ng ito. “I don’t mind actually kasi sobrang magkaibigan kami. In fact, invited ako sa kasal niya at okay kami. Sobrang good friends kami. Lahat ng ex ko, lahat sila ay friends ko. Ayoko ng may kaaway. Kasi ako kapag nagrerelasyon lahat sila ay matagal. May seven years, may three years so nagiging close ako sa family. So as much as possible ayaw ko ng samaan ng loob kasi nagiging kaibigan mo ‘yung family nila,” giit ni Kaye.

Samantala, nakikita na raw ng aktres na ang kanyang kasintahan ngayon na si Paul Jake Castillo ang lalaking kanyang pakakasalan. “Unang-una hindi ko siya ibo-boyfriend kung hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanya,” makahulugang pagtatapos ng aktres.

                 Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

CHITO MIRANDA

KAYE ABAD

MASAYA

NERI NAIG

NEWS ASIA

PAUL JAKE CASTILLO

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with