^

PSN Showbiz

Juday atat nang makatrabaho ang Ate, Sharon balik-ABS-CBN na?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya raw si Judy Ann Santos nang mabalitaan ang tungkol sa diumano’y pagbabalik ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN. Malapit na magkaibigan ang dalawang aktres kaya parang nakatatandang kapatid na rin ang turing ni Judy Ann sa Megastar. Madalas ding pinapasyalan ng Young Superstar si Sharon sa bahay nito upang makasama at makakwentuhan. “Kung ano man ‘yung project na ginagawa niya ngayon, I’m really, really happy for her that she’s back. And she’s more than ready to prove to anyone na binigyan lang niya ‘yung sarili niya to think what happened to her. She’s very professional and she’s a very good actress,” pahayag ni Judy Ann. Hindi pa man kumpirmadong magbabalik na si Sharon sa Kapamilya network ay nanga­ngarap na raw nga­yon si Judy Ann na muling makasama ang Megastar sa isang proyekto. “Oo naman, susmaryosep! Ako pa, ihahatag ko pa ang sarili ko sa project makasama ko lang siya uli. She would always be a Kapamilya. Hindi naman nawala sa kanya ‘yun eh. Kumbaga poste na siya ng ABS, pader na siya ng ABS, hindi na siya matitibag dito. Siyempre kung babalik ‘yung ate mo, eh ‘di reunion, ang saya-saya. ‘Yun lang naman ang masaya sa lahat eh,” pagtatapos ni Juday.

James nagbunga ang mga sakripisyo

Malaki ang pasasalamat ni James Reid sa mga manonood na tumatangkilik sa kanilang tambalan ni Nadine Lustre sa Wansapanataym series na My App Boyfie.

“Another successful project for me and Nadine, I feel like I’m on fire, it’s doing really well and we’re really thankful to the fans for the support. For making us trend worldwide is really big. Thank you so much for making us trend every day and we love you guys. We will do anything for you guys,” nakangiting pahayag ni James.

Talaga naman daw kaabang-abang ang bawat episode ng kanilang palabas ayon sa aktor. “A little bit of tragedy, a little bit of heartbreak, but it all ends well. You have to watch the whole series because if you will drop halfway, you will really get sad. So far, so good, it’s interesting, it’s different, it’s unique with a fantasy twist,” pagbabahagi ni James.

Para sa binata ay sulit na sulit daw ang kanyang mga ginawang sakripisyo dahil sa tagumpay na tinatamasa ngayon sa kanyang career. “Even the two movies, that were big for me and a hit show that’s another milestone. I’ve sacrificed a lot of time but it’s all worth it,” giit ng aktor.

Samantala, isang bagong pelikula rin daw ang dapat aba­ngan ng mga tagahanga ng JaDine bago magtapos ang taon.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

JAMES REID

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KAPAMILYA

MEGASTAR

MY APP BOYFIE

NADINE LUSTRE

SHARON CUNETA

YOUNG SUPERSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with