^

PSN Showbiz

‘Para na akong nabunutan ng tinik’ sorry ni Coco tinanggap na ng mga kababaihan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humility.

‘Yan ang ugaling ipinakita ni Coco Martin nang makipag-ayos siya at mag-sorry sa grupong Gabriela dahil sa The Animal With Me portion sa under garments fashion na The Naked Truth two weeks ago.

Kahapon ay kasama ni Coco na humarap sa entertainment media ang mga taga-Gabriela at Philippine Commission on Women para ibalitang nagkasundo na sila – tinanggap na nila ang sorry ng actor.

Kung tutuusin ay walang kasalanan si Coco sa nangyari, pero inako na niya ang sinasabi ng Gabriela na pagkakamali nang pumayag siyang rumampang may hila-hilang babae na parang nagmukhang aso.

“Kasi sabi ko nga, balang araw, ang pinaka-iingatan ko, ang reputasyon na bini-build ko, hindi lang para sa akin kundi para sa magiging family ko. Na sana balang-araw, wala man akong maipapamana sa kanila na kayamanan pero ‘yung reputas­yon na maiiwan ko sa kanila sa trabaho kong ito, ‘yun ang maipapamana ko sa kanila.

“Ang masakit kasi sa akin, ‘yun ang nadudungisan at nasisira ngayon kaya hindi simple at hindi ito ordinaryong issue para sa akin,” pahayag ni Coco.

Moving forward na ang lahat sa presscon dahil kumbaga, sarado na ang isyu.

“Para na akong nabunutan ng tinik na at least, personal na akong nakapag-sorry sa lahat ng taong concerned, sa lahat ng mga kababaihang aking nasaktan at naapakan. Honestly, siguro, ngayon, nakakangiti na ulit ako,” pahayag ng aktor.

Aminado rin si Coco na marami siyang natutunan sa mga nangyari.

 “Sabi ko nga, maaaring may negatibong dumating sa buhay ko pero may mga positibo rin talaga akong natutunan sa pagkakataong ito. Kaya maraming-maraming salamat po, napakalaki ng natutunan ko sa pangyayaring ito. Sobra pong tatandaan ko habang-buhay at alam ko po ang responsibilidad ko bilang tao at bilang artista,” sabi ng aktor.

May naka-schedule naman daw sila meeting ni Mr. Ben Chan at nagpadala rin ito ng flowers.

“Kasi para sa akin naman po, honestly, ayoko namang magkaroon ng issue or hindi maganda. Kasi 6 years po akong tinulungan at inaalagaan ng Bench.

“Itong pangyayaring ito, sabi ko nga, mayroon kaming mga natutunan sa bawat anggulo ng aming propesyon or trabaho. Siguro dapat kaming magkaroon ng komunikasyon para makapag-usap about this issue or kung ano ang dapat naming gawin or kung ano ang mga bagay na natutunan namin para rito.”

Samantala, hindi naman pinalampas ng Gabriela ang statement ni Richard Gomez sa presscon last week ng The Janitor kung saan sinabi niya sa interview nang matanong siya sa reaction sa isyu kay Coco na hindi dapat nag-sorry si Coco at maging ang Bench dahil fashion ‘yun.

Pahayag ni Ms. Liza Maza, dating representative ng Gabriela Partylist nakikisawsaw pa raw si Goma na kung tutuusin ay natanong lang si Goma sa reaction bilang siya ang nangu­nguna dati sa nasabing fashion show.

Pero walang magawa Piolo kontra sa pag-aartista ng anak

Kung si Piolo Pascual ang tatanungin mas gusto sana niyang mag-aral muna ang anak niyang si Iñigo. Pero wala nang magawa ang actor at hindi na niya mapigilan ang pagso-showbiz ng nag-iisang anak.

“Kung ako lang talaga gusto ko siyang mag-aral muna, pero gusto niya talaga,” pahayag ng actor kahapon sa launching ng bagong edition ng Sunpiology, an annual charity event ng ini-endorsong Sun Life Insurance ng actor kung saan kasama na rin niya ang anak niya.

Bukod sa kasama niya sa endorsement ang anak, may pelikula na rin itong ipalalabas at nagho-host na rin sa ASAP kaya talagang showbiz na showbiz na ang anak na ipina-DNA test niya bago tinanggap noon.

Anyway, gaganapin ang Sunpiology Fun Run ngayong taon sa November 15 (Saturday), 3:00 pm at the Bonifacio Global City, with 500m dash (Php 350), 3k (Php 700), 5k (Php 800), and 10k (Php 900) distances.

Bukod kay Piolo, inaasahan ding dadagsain ito ng iba pang mga artistang kasama ni Piolo sa Star Magic.

 “For this year, we want to do more than just dash to the finish line. We want to make this run more fun with surprises inspired by the earth, wind, water, and fire. It’s our way of bringing Sun Life’s innovative spirit to our CSR activities,” explains Sun Life Philippines President and Chief Executive Officer Riza Mantaring, who is also a marathoner.

Registrants will receive a Sun Life water bottle together with the race kits. Exciting raffle prizes await runners after they cross the finish line.              

vuukle comment

GABRIELA

KASI

KUNG

NIYA

PARA

PHP

PIOLO

SUN LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with