^

PSN Showbiz

Yeng Constantino magpapabuntis dalawang taon matapos ang kasal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang magkasintahang sina Yeng Constantino at Victor Asuncion na magkakaroon sila ng baby dalawang tao matapos ang kanilang kasal.

“Hindi muna para ma-enjoy namin 'yong friendship namin,” sagot ni Yeng sa isang panayam nitong kamakalawa.

“Kasi hindi kami friends talaga, e. Naging friends lang kami nang maging kami. So para mas ma-deepen pa 'yong friendship namin.”

Plano nilang magsama muna ng dalawang taon upang lumalim ang kanilang pagsasama bago magkaroon ng baby.

“So move in muna together, tapos two years, halfway through that two years, mga short-term plans muna namin na mag-travel kami together thrice a year.”

Samantala, halos tapos na ang kanilang paghahanda para sa kanilang kasal sa Pebrero 14, Valentine's day.

Ikinatutuwa ni Yeng ang hindi pagbabago ng kanyang mapapangasawa mula nang maging sla nitong nakaraang taon.

“Hindi siya nagbabago, kung sino siya no'ng una, 'yon lang talaga siya. So I'm happy na hindi nagsimula 'yong relationship namin sa best foot forward. Chill lang siya na person, totoo, honest lang talaga siya.”

Walong buwan pa lamang noon ang kanilang relasyon nang ayain siya ng kanyang nobyo magpakasal.

vuukle comment

IKINATUTUWA

KASI

NAGKASUNDO

PEBRERO

PLANO

SO I

VICTOR ASUNCION

YENG

YENG CONSTANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with