^

PSN Showbiz

Bistek willing kumandidatong senador o congressman!

Pilipino Star Ngayon

Jake hindi nagsisising rumampang labas ang puwet pero aminadong hindi nakapag-work out!

MANILA, Philippines - Ayaw nang hintayin ni Jake Cuenca na malaos siya kaya naman pinili na niyang magretiro sa pagrampa sa underwear fashion show ng isang kilalang clothing line ngayong taon.

“Para sa akin, binigay ko na lahat. Huli ko na ‘yon. Hindi ko na ulit ‘yon gagawin. Ayaw kong dumating sa pun­to na ‘di ka na tinitilaan kapag lumalabas,” paliwanag ni Jake sa Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Oktubre 2).

Sa kabila ng mga punang natanggap, laking tuwa pa rin ni Jake sa naging pasabog niya sa naturang fashion show kung saan walang takot siyang rumampa na ta­nging jock strap lang ang suot at nakabuyangyang pa ang kanyang likuran.

“’Yong mga tilian ng mga tao and everything was so amazing. Sana lang mas nakapag-work out pa ako kasi ang taba ko,” sabi niya.

Samantala, sa hiwalay na panayam ay nagsalita naman si Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa noo’y pagkakaugnay niya sa kapatid ng pangulo ng Pilipinas at TV host na si Kris Aquino.

“Ang pagiging mag-boyfriend at mag-grilfriend kasi, nasasabi at naipapakita n’yo ‘yong totoong nararamdaman n’yo. Hindi kami umabot doon,” sabi niya. “Alam mo ‘yong infant stage ng relationship? Ganoon. Nasa infant stage ng relationship tapos biglang naudlot,” dagdag niya.

Iginiit din ng alkalde ng Quezon City na walang kaugnayan sa pulitika ang anumang namagitan sa kanila ni Kris bagama’t aminado siyang handa siyang kumandidato para sa Kongreso o Senado kung sakaling ialok ito sa kanya ng Liberal Party.

Huwag palampasin ang Tapatan ni Tunying ngayong Huwebes (Okt 2), 4:30 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

vuukle comment

AYAW

HUWEBES

JAKE CUENCA

KAPAMILYA GOLD

KRIS AQUINO

LIBERAL PARTY

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

TAPATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with