^

PSN Showbiz

Kaya magaling mag-drama... Magandang aktres iniiyakan pa rin ang ginawang pambubugaw sa kanya ng sariling ina

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagkakaedad na ngayon ang isang magandang aktres na nu’ng nagsisimula pa lang sa pag-aartista ay nakaranas ng lungkot dahil sa kanyang magulang.

Madalas tayong makapanood ng balita na mismong ina ang nagbebenta sa kanyang anak, ang ina ang nagkakasa at nagbubugaw sa panandaliang kaligayahang bayad para sa kanyang anak, hindi na bago ‘yun para sa mga taga-showbiz.

Nu’ng kabataan pa ng aktres ay kaawa-awa ang kanyang kapalaran. Mismong nanay niya ang naghahanap ng parukyano para sa magandang aktres. Galit na galit ang nanay kapag ang nakakarelasyon ng aktres ay hindi mayaman, mas gusto nitong magbenta na lang ng katawan ang kanyang anak, para guminhawa ang kanilang buhay.

“At ang nakakaloka pa, alam ng mommy ni ____(pangalan ng magandang aktres) kung ilang kliyente siya meron sa buong araw, kinukuwentahan siya pagdating ng bahay, kahit madaling-araw na siyang umuuwi, gising pa rin ang mommy niya para kunin ang kinita niya sa pagbebenta ng laman,” malungkot na pag-alala ng aming source.

Isang araw ay nagrebelde ang anak. Nakipagrelasyon siya sa mga artistang walang kabuhayan, ‘yung siya pa ang nagbibigay sa lalaki, talagang kinalaban niya na ang nanay niyang mukhang datung.

Nagpalipat-lipat ng karelasyon ang aktres, may bata at matanda, nagkaroon siya ng mga anak na may iba-ibang ama.

Kapag binabalikan niya ang bahaging ‘yun ng kanyang buhay ay napapailing na lang siya, hindi pinaniniwalaan ng aktres ang kasabihan na lahat ng makabubuti lang naman ang ginagawa ng magulang para sa kanyang anak, hinding-hindi.

Sa kanyang edad ngayon ay madaling paiyakin ang aktres. Ilahad mo lang ang kanan mong palad sa kanya kasunod ang pagsasabi ng “Bakit ito lang?” at luluha na siya nang luluha na para bang hindi na sisikat uli ang araw kinabukasan.

Haaaay…. ubos!

Dahil sa American twang, Charice hindi matanggap ng mga Pinoy

Kahit paano, kahit sa maliit lang niyang paraan, ay nakatulong si Charice Pempengco para isulat ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo.

Una siyang “inampon” ni Ellen DeGeneres, pagkatapos ay tumawid siya kay Oprah Winfrey, hanggang sa maging regular talent na siya ng sikat na record producer na si David Foster.

“The pride of the Philippines!” kung ipakilala siya ni David Foster, kahilera niyang kumakanta sa mga concerts nito sina Celine Dion, Lionel Ritchie, Pavarotti, Mariah Carey, Billy Joel at marami pang ibang naglalakihang pangalan sa mundo ng musika.

Kahit du’n man lang sana ay dapat magkaroon ng puso ang iba nating mga kababayan para kay Charice Pempengco. Sana’y ang kanyang talento ang masilip ng iba at hindi ang kanyang mga kapintasan.

Mas masarap para kay Charice ang matanggap siya ng mga Pilipino kesa ng mga dayuhan. Aanhin nga naman niya ang palakpak ng mga porenero kung sa sarili niya namang bayan ay kinukutya siya?

Sa isang banda naman ay kailangan ding magpaka-Pilipino ni Charice. Kapag nasa bansa siya ay gawin niya ang mga ginagawa ni Juan at hindi ang mga natutuhan niya kay Uncle Sam.

Huwag siyang maglalagay ng pader sa pagitan niya at ng ating mga kababayan. Magsalita siyang Pinoy na Pinoy at kumilos siyang berdaderong Pinoy. Walang masama sa pagsasalita ng Ingles, pero sana’y pipiliin niya ang tamang okasyon, rekomendasyon din namin na tanggalin niya ang American twang na naglalayo sa kanya sa puso ng mga tunay na Pinoy.

Pero huwag na sanang tutukan ng mga bashers ang kanyang itsura, ang kanyang buhok, ang kanyang mga isinusuot at ang kanyang kilos.

Sa pagtatapos ng araw ay iisang lahi lang naman tayo. Sa isip, sa salita, at sa gawa.

vuukle comment

CHARICE

KANYANG

LANG

NIYA

PARA

PINOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with