^

PSN Showbiz

Toni naghahanda nang magka-baby

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man naikakasal sa kasintahang si Paul Soriano ay nangangarap na raw si Toni Gonzaga na magkaroon ng anak. Pitong taon na ngayong magkarelasyon ang dalawa. Naaaliw raw kasi si Toni sa tuwing nakakasama ang mga batang pamangkin sa pinsan. “Parang practice na din namin ni Alex (kapatid ni Toni) ‘pag nagkaanak na kami, lalo na ako. Hindi na rin malayong mangyari ‘yun in the future. Iba kasi ‘yung happiness na nabibigay ng bata. Mas genuine, mas real, mas pure ‘yung joy,” nakangiting bungad ni Toni.

Excited na rin ang aktres kung paano niya palalakihin ang kanyang magiging anak. Gustong ituro ni Toni sa kanyang magiging anak ang mga natutunan nilang magkapatid mula sa kanilang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. “Hindi mo sila pwede iwanan. Gano’n pala kaimportante na dapat focused ‘yung attention mo sa bata, sa baby. Dapat full attention, as in you will really forget yourself. Kailangan first priority mo ‘yung bagets. Nae-excite nga ako eh,” pagbabahagi ng dalaga.

Anong klaseng ina kaya ang gusto ni Toni kapag nagkaroon na ng anak? “May pagka-strict ako na mommy, na cute na mabait. Disciplinarian pero fun,” sagot ng aktres. Kailangan daw talagang paghandaan ni Toni ang pagkakaroon ng sariling pamilya dahil napakalaking responsibilidad nito. “It takes a lot of maturity, physically, emotionally, and spiritually to raise a kid. Hindi biro magkaroon ng anak. Dapat talaga kayang-kaya n’yo na para mabigay n’yo ‘yung pag-aaruga that they really deserve,” giit ng Multimedia Star.

Melissa pinatira na ang BF sa kanyang condo, pero wala ring proposal para sa kasal

Magpipitong buwan nang buntis ngayon si Melissa Ricks. Ayon sa aktres ay nagsasama na sila ng kasintahang si Charles Togesaki sa iisang bubong ngayon. “Right now he’s staying with me sa condo. My dad moved out na sa The Fort so it’s first time to be on my own,” pagtatapat ni Melissa. “After my mom leaves from the States, I’m gonna stay at his house naman sa Valle Verde house ng family niya while we are making ipon for our house,” dagdag ng aktres.

Ang iniisip daw ni Melissa ngayon ay ang kanilang magiging anak kaya hindi sila nagmamadaling bumili ng sariling bahay. “Kasi ayaw namin biglain to buy a house, to splurge on everything. Mag-iipon muna kami,” giit ng aktres.

Ngayong magkakaroon na ng sariling pamilya ay napag-uusapan na rin daw nina Melissa at Charles ang kasal. “Napag-uusapan pero wala pang proposal, pero siyempre ayaw ko namang mang-pressure, chill lang,” pagtatapos ng aktres.

                  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

CHARLES TOGESAKI

DAPAT

KAILANGAN

MELISSA RICKS

MULTIMEDIA STAR

PAUL SORIANO

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with