^

PSN Showbiz

Maling-mali ang akalang hindi suportado... Pinoy fans nawalan lang ng gana kay Charice nang makipag-away sa ina at ipagsigawan ang katomboyan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagkakamali ng akala si Charice Pempengco na hindi kinikilala o ikinararangal ng mga kababayan natin ang achievements niya sa pagkanta.

Maling-mali ang impresyon at paniniwala ni Charice. Ngayon na lang niya nasabi ang diumano’y kakulangan ng suporta ng sariling kababayan dahil sa mga hindi kanais-nais na nangyayari sa kanyang career.

Mabilis na nakalimot si Charice. Nalimutan niya na ipinagbunyi ng mga kababayan natin ang kanyang mga TV guesting sa shows nina Ellen DeGeneres at Oprah Winfrey.

Pinuri at ipinagmalaki ng mga Pinoy ang mga concert niya sa abroad, kasama ang mga sikat na international singers.

Dapat i-remind kay Charice na sold out noon ang concert ni David Foster sa Smart Araneta Coliseum dahil siya ang gustong mapanood ng mga Pinoy.

Kung nakakalimot si Charice, magbukas siya ng iPad o laptop, mag-browse sa Internet at i-click ang kanyang pangalan.

Presto, makikita at mababasa ni Charice ang paghanga ng mga Pilipino noong girl na girl pa ang kanyang kilos, pananalita, at pananamit.

Bata pa si Charice para malimutan nito na nagbago lang ang trato ng fans mula nang ilantad niya sa publiko ang pagiging tomboyita at ang bangayan nila ng kanyang nanay na si Raquel. Walang dapat sisihin si Charice na ibang tao. Kesa mag-emote, matutuwa pa ang fans kung magpapasalamat siya at hindi manunumbat.

Annabelle Rama hindi nakikipagtawaran sa TF ng asawa’t mga anak

Si Annabelle Rama ang executive producer ng Season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Kahit siya ang produ ng reality show ng pamilya niya, hindi tinawaran ni Annabelle ang talent fee ng kanyang asawa, mga anak, at apo.

Kung magkano ang talent fee ng asawa at mga anak niya sa taping, ganoon din ang talent fee nila sa It Takes Gutz to be a Gutierrez. Walang labis, walang kulang dahil ayaw ni Bisaya na feeling shortchanged ang kanyang mga anak at apo.

Nadagdagan ang babayaran ni Annabelle dahil nadagdagan ang cast ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Kasali na ang mag-inang Sarah Lahbati at Zion at ang girlfriend at newborn baby girl ni Elvis Gutierrez.

Hindi lang ako sure kung humingi pa si Bisaya ng komisyon mula sa pamilya niya dahil siya rin ang manager ng kanyang asawa, mga anak, at apo.

Habang papalapit ang airing ng It Takes Gutz sa October 5, lalong nadaragdagan ang excitement ni Annabelle dahil alam nito na inaabangan sa buong Asia ang second season ng reality show ng kanyang pamilya.

Hindi makapagkuwento sina Annabelle at Ruffa Gutierrez tungkol sa reality show nila, kesehodang ipinapakita na ng E! ang teaser ng kanilang grand vacation sa isang probinsya sa South at ang pag-aaral ni Raymond Gutierrez sa London.

Isa lang ang ipinapangako ng mga Gutierrez, makakatulong sa pagsigla ng Philippine tourism industry ang kanilang reality show dahil ipakikita rito ang mga lugar na dinarayo ng mga turista.

May nakapanood na sa rushes ng It Takes Gutz at proud na proud siya dahil world class ang mga lugar at eksena na ipinakita.

Naging mag-dyowa lang, Ipe at Cristina never nagpakasal!

Mali na naman ang radio report kahapon tungkol kay Phillip Salvador at sa businesswoman na si Cristina Decena.

Ibinalita ng radio announcer na nag-piyansa kahapon para sa estafa case si Cristina na da­ting may-bahay ni Phillip Salvador.

Correction please, never na ikinasal at na­ging mag-asawa ang dalawa. Ex-girlfriend ni Ipe si Cristina, hindi former wife. Si Ariel Villasanta aka Maverick at hindi si Ipe ang mhin na pinakasalan ni Cristina ng maraming beses sa iba’t ibang bansa.

vuukle comment

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

CHARICE

CRISTINA

DAHIL

IT TAKES GUTZ

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with