^

PSN Showbiz

Ryzza Mae tinawag na iskwater porke magiging flower girl ng DongYan wedding

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pati si Ryzza Mae Dizon, hindi pinatawad ng bashers dahil lang nag-volunteer na maging flower girl ni Marian Rivera sa kasal nito kay Dingdong Dantes sa December 30. Kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi ng isang basher kay Aleng Maliit. Tinawag pang iskwater si Ryzza at iba pang panlalait.

Mabuti at maraming nagtanggol kay Ryzza Mae at sila ang umaway sa basher at hindi na kailangang sumagot ng bagets. Kahit si Marian, magagalit ‘pag nabasa ang pamba-bash kay Ryzza Mae lalo na ngayong kasama na ito sa wedding entourage niya.

Ang kuwento ni Marian, tinanong niya si Ryzza Mae kung gusto nitong maging flower girl niya. Umoo si Ryzza Mae kaya pasok na siya bilang flower girl sa sinasabing Wedding of the Year. Eh ‘yung basher, hindi invited, nainggit siguro, kaya si Ryzza Mae ang napagdiskitahan.

Last Monday, nag-food tasting na ang grupo nina Marian at Dingdong sa isang restaurant sa Shangri-La Mall East Wing. Susunod na ang iba pang update sa wedding nila ni Dingdong, gaya nang inaabangang motif ng wedding at venue ng reception for the 1,000 guests na puwede pang madagdagan.

Jake pinamalit sa inayawan ni JC

Sa Saturday na ang lipad ni Jake Cuenca for New York para mag-aral ng acting sa Lee Strasberg Theater  & Film Institute sa New York. Bago umalis, nag-taping muna ang aktor ng Pasion de Amor. One month lang mawawala ang aktor, makakahabol pa siya sa taping sa kanyang pagbabalik.

Kasama ni Jake sa cast ng Pasion de Amor sina Joseph Marco, Ejay Falcon, Ellen Adarna, Coleen Garcia, at ang bagong lipat sa ABS-CBN na si Arci Muñoz. Wala na pala ito sa TV5, nag-audition sa ABS-CBN at nakapasa.

Kundi kami nagkakamali, si JC de Vera ang nasa original cast ng Pasion de Amor, pero nagkaroon ng pagbabago sa cast at si Jake na ang isa sa mga bida.

Ayaw ng kasambahay Drew masayang siya ang nagluluto at si Iya ang naglilinis ng bahay

Si Drew Arellano ang pumalit kay Ogie Alcasid na host sa season 2 ng award-winning game show na Bonakid Pre-School Ready Set Laban. Kasama ang co-host na si Regine Tolentino, silang dalawa ang mas magpapasigla sa show na magsisimulang umere sa October 5, 10:45 a.m.  sa GMA-7.

Noon pa gustong mag-host ng children’s show ni Drew, kaya nagpapasalamat na siya ang napili ng Ch. 7 na isama kay Regine to host the show. He loves being with kids daw, pero sa 2016 pa nila balak magka-baby ni Iya Villania at gustong i-enjoy muna ang kanilang relasyon.

Kuwento ni Drew, sa pagsasama nila ni Iya, nadiskubre niyang mas gusto niyang magluto at si Iya ang naglilinis sa bahay nila. Masaya sila sa buhay may asawa at nasusunod ang mantra niyang “I don’t wanna be rich, I just wanna be happy.”

Nicco inaayawan na sa mga indie film

Kung nasa presscon mamaya ng The Janitor si Nicco Manalo, matatanong ito kung bakit iniwan ang former manager niyang si Ferdy Lapuz at lumipat sa ibang talent manager.

Ang sabi, gusto raw magkaroon ng regular soap ni Nicco, kaya nagpaalam kay Ferdy na sa iba na magpapa-manage.

Pero totoo kayang dahil sa ginawa ni Nicco, may mga indie films na nakuha si Ferdy para sa kanya, pero nang umalis siya sa poder nito, inalis siya sa cast?

Anyway, anak ni Jose Manalo si Nicco at nanalong Best Actor sa 2014 Cine­malaya sa Directors’ Showcase dahil sa mahusay na pagganap sa role ng isang lookout sa The Janitor. Ang galing ng twist ng karakter nito sa nasabing pelikula na ire-release ng Star Cinema at showing starting October 8.

vuukle comment

ALENG MALIIT

ARCI MU

BEST ACTOR

BONAKID PRE-SCHOOL READY SET LABAN

IYA

NEW YORK

NICCO

PASION

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with