^

PSN Showbiz

Dating sikat na aktres pinagbintangang magnanakaw ang alalay na inutusang magsangla!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon, at kahit pa siguro sa kahuli-hulihang hininga ng isang dating kabig ng isang dating sikat na aktres, ay hinding-hindi na nito makakalimutan ang isang napakasakit na akusasyong ibinato sa kanya ng mismong taong pinagmalasakitan at pinagserbisyuhan at minahal nito.

Walang-walang pera nu’n ang sikat na aktres, may kailangan siyang ipabili para sa kanyang personal na kasiyahan, inutusan niyang magpunta sa bahay-sanglaan ang isa niyang kabig.

Siya ang nagmamaneho ng kotse, ang kabig lang niya ang bumaba, nagpapasangla siya ng isang pares ng hikaw at singsing para mabili ang kanyang kailangan nu’ng araw na ‘yun at sa mga susunod pang mga araw.

Nakipagtawaran ang kanyang kabig sa pawnshop, maliit na halaga lang ang gusto ng tasador ng sanglaan para sa isinasangla nito, bumalik sa sasakyan ang kabig para ipaalam ‘yun sa kanyang boss.

Dagdagan pa raw nang konti ang sangla, sabi sa kanya ng sikat na aktres, ‘yun ang sinabi ng kabig sa tasador na pumayag naman sa konti pang dagdag na halaga.

Kuwento ng aming source, “Siya ang nagpasangla ng alahas, ang kabig lang niya ang bumaba para makipagtawaran. Alangan namang siya ang bumaba para magsangla, malaking issue agad ‘yun, di ba?

“Heto na. Nu’ng magkaroon sila ng away ng kabig niya, binaligtad niya ‘yung tao. Ninakaw raw ang alahas niya at alam niya kung saan nagsasangla ang taong idinidiin niya.

“Umiiyak sa galit ‘yung kabig niya, pinakiusapan nga lang naman siyang magsangla, pero ang ending, siya pa ang pinagbintangang magnanakaw! At paano nga niya hindi malalaman ang pawnshop, e, siya ang kasama nu’ng tao niya nu’ng isangla ang mga alahas niya?

“Hanggang ngayon, kapag naiisip ‘yun ng dating kabig niya, e, nandu’n pa rin ang galit sa kanya. Sinungaling daw at mapaggawa ng kuwento ang sikat na female personality na napili niyang mahalin at pagmalasakitan,” kuwento uli ng aming impormante.

Ubos! Pasok sa banga!

Kathniel sobrang lakas ng hatak, VIP tickets sa concert sa Canada nasimot sa maghapon

Kung ang lakas ng mga tilian at palakpakan at sigawan ang ginamit na barometro ng pananalo sa Himig Handog ay walang dudang nag-champion si Daniel Padilla.

Kuwento ng mga kaibigan naming nanood ay talagang makalaglag-tutuli ang sigawan sa buong Smart Araneta Coliseum nang tawagin na ang pangalan ni DJ bilang isa sa mga contestants.

“At ilang seconds na tumagal ‘yun. Bagsak ang Big Dome sa lakas ng mga tilian, parang giyera talaga, dahil mabibingi ka!” paglalarawan ng aming kaibigan.

Hindi nanalo si Daniel Padilla pero napatunayan ng pinakasikat na heartthrob na hindi nagpapabaya ang kanyang mga tagahanga. Sa kahit anong laban na pasukin niya ay palaging nakasuporta ang kanyang mga fans pati na ang mga tagasuporta ni Kathryn Bernardo.

Matindi ang kanilang mga tagahanga, may maugnay lang na ibang young actress kay Daniel ay agad na silang magwawala, hindi karamutan ang maitatawag du’n kundi pagmamahal sa tambalan ng kanilang mga iniidolo.

Nakarating sa amin ang impormasyon mula sa anak-anakan naming creative director ng Pilipino Express News Magazine sa Winnipeg, Canada na si Rey-Ar Reyes na soldout agad ang VIP tickets para sa concert nina Daniel at Kathryn sa November 2.

Ang Labelle Promotions nina Katya at Todd Labelle ang prodyuser ng Kathniel Concert, at sa unang pagkakataon, sa loob lang nang maghapon ay soldout agad ang VIP tickets para sa kanilang concert.

“Napakalakas pala talaga ng Kathniel loveteam! Maagang bumili ng VIP tickets ang mga bagets fans nila na matagal nang naghihintay sa kanila dito!” masayang balita ng aming anak-anakang si Rey-Ar Reyes ng Winnipeg, Canada.

vuukle comment

ANG LABELLE PROMOTIONS

BIG DOME

DANIEL PADILLA

HIMIG HANDOG

KABIG

NIYA

PARA

REY-AR REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with