^

PSN Showbiz

Hindi marunong mang-eklay, Rhian Ramos panay ang dalaw kina Bong at Jinggoy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Rhian Ramos ang pinaka-love ko ngayon sa mga artista dahil hindi siya eklayera. Nang mag-guest noon si Rhian sa Startalk, nagtanong siya sa akin kung kanino makikipag-coordinate dahil gusto niya na dalawin sa PNP custodial center sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.

May ibinigay ako na pangalan kay Rhian pero mula noon, wala na akong narinig mula sa kanya.

Kailan ko lang nalaman na dumalaw na pala si  Rhian kay Bong at nakaka-apat na beses na ang kanyang pagbisita.

Naging close sina Bong at Rhian nang magkasama sila noon sa Indio. Ito ‘yung panahon na may pinagdaraanan na pagsubok si Rhian at na-appreciate nito ang mga payo sa kanya ni Bong na parang tunay na anak ang trato sa kanya.

Ikinatuwa ko talaga ang nalaman ko tungkol sa pagdalaw ni Rhian kina Bong at Senator Jinggoy Estrada. Hindi siya kagaya ng ibang mga artista na kiyeme-kiyemeng nagsasabi na bibisitahin sina Bong at Papa Jinggoy sa detention center pero press release lamang ang lahat.

Iba si Rhian dahil tinupad nito ang kanyang sinabi sa akin na hindi niya ipinagmakaingay. Nalaman ko lang ang pagdalaw niya nang magkausap kami ni Lorna Tolentino dahil ito ang nagkuwento sa akin. Magkasama sina Rhian at LT sa My Destiny kaya close din sila sa isa’t isa. Si LT ang gumaganap na nanay ni Rhian sa My Destiny.

Set ng Bet ng Bayan bonggang-bongga!

Ang magandang set ng Bet Ng Bayan ang napansin ko nang dumalo ako kahapon sa presscon ng bagong talent search program ng GMA 7.

Simple pero bonggang-bongga ang set ng Bet Ng Bayan at feeling ko nga, nasa loob kami ng Araneta Coliseum.

Hindi ako nagulat nang malaman ko na si Rollie De Leon ang designer at gumawa ng amazing set ng Bet Ng Bayan dahil subok na subok na ang kanyang husay.

Nagkita kami kahapon ni Rollie sa presscon ng Bet Ng Bayan at siya ang nagsabi sa akin na balak niya na dalhin sa regional auditions ng show ang bonggang set.

Hindi ko pinagdudahan ang dialogue ni Rollie dahil kapag siya ang nagsalita, tiyak na magagawa niya.

Alden may oras pa para maging ‘bayani’ sina Regine Velasquez at Alden Richards ang mga host ng Bet Ng Bayan.

First hosting job ni Alden sa TV ang Bet Ng Bayan. Nagpapasalamat siya kay Regine dahil sa support na ibinigay nito sa kanya.

Never na na-intimidate si Alden kay Regine dahil mabait ito na katrabaho. Pinadali raw ni Regine ang kanyang assignment bilang co-host ng talent show na magsisimula sa darating na Linggo, October 5.

Mula nang mag-umpisa ang taping ng Bet Ng Bayan, halos hindi na nakakauwi si Alden sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna.

Bukod sa taping ng Bet Ng Bayan sa malalayong probinsiya, naglalagare si Alden sa taping ng Ilustrado, ang upcoming television series ng GMA 7 tungkol sa life story ni Dr. Jose Rizal. Si Alden ang gumaganap bilang Dr. Jose Rizal at leading ladies niya sa Ilustrado sina Kylie Padilla at Solenn Heussaff.

Regine ayaw na sa teleserye

Choice ni Regine Velasquez na huwag munang tumanggap ng mga teleserye project dahil ang kanyang pamilya ang priority niya.

May blessing ni Ogie Alcasid ang desisyon ni Regine na tanggapin ang offer ng GMA 7 para maging host ng Bet Ng Bayan dahil wala itong conflict sa duties and responsibilities niya bilang asawa at ina.

vuukle comment

BAYAN

BET

BET NG BAYAN

DAHIL

DR. JOSE RIZAL

MY DESTINY

NIYA

REGINE VELASQUEZ

RHIAN

SENATOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with