^

PSN Showbiz

Porke nagka-isyu ang KathNiel mga maninira ginagawan din ng intriga ang JaDine

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sina James Reid at Nadine Lustre naman ang tatangkaing gawan ng intriga. Sinasabing may itinatagong girlfriend si James kaya hindi puwedeng maging sila ni Nadine.

Oww, come on, sino man kayong nagpapalutang nito, masama na naman ang intensyon n’yo. Porke inabot ng indulto ang Kathniel kailangang ma­ging ganito rin  ang kapa­laran ng JaDine? Tumigil-tigil nga kayong nagtatangkang pabag­sakin ang dalawang si­kat na loveteam. Napakasa­sama n’yo!

Bea ayaw pumatol sa bashers

Nag-renew ng kontrata sa GMA ang magka-love­team na Jake Vargas at Bea Binene. Tatlong taon pa silang mapapanood sa Kapuso Network.

Ewan ko rin naman kung sino ang nagpapalu­tang ng balitang gustong lumipat ng ABS-CBN ni Bea eh palagay ang loob nito bilang Kapuso. Again, may gumagawa na naman ng intriga, at obviously, siya ang gusto nilang masira. Buti na lang at isa ito sa mga ayaw pumatol sa intriga. Buti na lang!

Dingdong ‘ginagamit’ para pagkakitaan

Nasa intriga na rin lang tayo, heto ang isang classic. Pinagbi­bin­tangang may bago si Dingdong Dantes na kapu-propose lamang kay Marian Rive­ra. Sino ang ma­niniwala sa balita? Meron ba? ‘Yun pala, sinasabi lang na may bago siyang kapareha sa Kubot: The Aswang Chonicles na tinanggihan ni Lovi Poe. ‘Yun ang bago at hindi girlfriend. Minsan sa titulo lang ng artikulo ay pwede nang maka-mislead. Kaya konting ingat naman sa gumagawa ng titulo ng mga artikulo. ‘Wag gamitin ang titulo para kumita lang ang ibang dyaryo.

vuukle comment

ASWANG CHONICLES

BEA

BEA BINENE

BUTI

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

JAKE VARGAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with