^

PSN Showbiz

Ayaw ipag-ingay ang plano aktor tatahi-tahimik lang pero magpapa-construct ng bahay para sa GF na pakakasalan next year

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Balak pa rin ni Alfred Vargas na ituloy ang church wedding na ipinangako niya sa kanyang asawang si Yasmine Espiritu.

Sa Italy pa lang sila nagpakasal, at ang gusto ni Alfred ay magkaroon pa rin ng church wedding dito.

Hindi pa raw nila pinaplano sa ngayon dahil hintayin daw muna nilang makapagtapos ng babang luksa ng kanyang ina na sumakabilang buhay nung nakaraang March ng taong ito.

Gusto naman daw niyang matupad ang pangarap ni Yasmine na makapagsuot ng wedding gown sa altar.

PAK: Hindi pala natuloy ang paglibing sa mga abo ng ina ni Raymart Santiago na si Mrs. Cielito Santiago dahil wala raw li­bing ng Lunes.

Kaya tatapusin na lang daw muna nila ang pasiyam bago ito ilagak sa St. Peter Chapel sa Quezon City katabi raw ng kanilang ama.

Pagkatapos ng burol nito  ka­ma­­­kalawa lang, iikot daw muna sa mga anak ang urn ng kanilang ina. Mga ilang araw daw muna nilang ma­kakasama ang abo ng kanilang ina.

Samantala, ipinadala naman ni Claudine Barretto ang mga anak nila sa burol ng kanyang mother-in-law.

Hindi kasi puwede si Claudine pumunta roon. Mas tanggap pa sina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto na itinuturing pa rin ng mga Santiago na pamilya nila.

BOOM: Sa susunod na linggo ay si­si­mulan na ang construction ng bahay na ipa­patayo ni kilalang aktor para sa babaeng pakakasalan niya.

Matagal na rin ang kanilang relasyon at sila ang ilan sa tahimik na couple kahit iniintriga paminsan-minsan.

Sa susunod na taon na raw ang kasal at malamang magugulat na lang tayo kapag mabalitaan nating kasal na pala sila.

Hindi kasi type ni aktor ang media hype, kaya mas gusto nilang tahimik lang at basta inaayos na ang kanilang pagpapakasal.

Ang girl na balak pakasalan ni aktor ay gusto na raw mabuntis at magkaroon ng baby na aalagaan, pero kailangang kasal muna bago preggy.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN BARRETTO

MARJORIE BARRETTO

MRS. CIELITO SANTIAGO

QUEZON CITY

RAYMART SANTIAGO

SA ITALY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with