^

PSN Showbiz

Naisalba ng ama actress maagang nakawala sa durugistang bf

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masakit ang katotohanan pero sa maagang pa­na­hon ay naisalba ng kanyang mga magulang ang noo’y batambata pang aktres sa isang tiyak na problema at kalungkutan.

Ang young actress ang unang naging karelas­yon ng isang guwapong young actor na maga­ling umarte. May mga naging girlfriend na nu’n ang young actor, pero ang young actress na mula sa isang pamilya ng mga artista ang unang seryoso nitong pakikipagrelasyon, pero pinaghiwalay agad sila ng ama ng batang aktres.

Kuwento ng aming source, “Marami na kasing kuwentong nakararating nu’n sa daddy ng girl tungkol sa pagbibisyo ni young actor, pero idenedepensa ng young actress ang boyfriend niya.

“So, ang ginawa ng father ng girl, pinasubaybayan niya ang young actor, talagang may stalker ang guy kahit saan. Nu’ng makumpleto na ng mga imbestigador ang report, ipina­kita ‘yun sa girl ng daddy niya.

“Nawindang ang young actress, ang lahat ng mga oras at araw na nasa imbestigas­yon, totoo! ‘Yun ang mga time na hindi sila nagkikita ng boyfriend niya, ang dahilan kasi sa kanya, e, may trabaho raw siya.

“Du’n na nagdesisyon ang girl, mahal na mahal niya ang guwapong young actor na magaling umarte, pero isinusuka niya ang pagbibisyo ng guy.

“Kung nu’ng una, e, galit ang girl sa daddy niya, nu’ng maintindihan niya ang istorya, pa­sa­lamat pa siya nang pasalamat sa mga magulang niya dahil isi­nalba siya sa sobrang kalungkutan at pagkabigo,” kuwento ng impormante.

Marami nang sumunod na girlfriends ang young actor, nagtatagal naman ang kanyang pakikipagrelasyon, pero nauuwi rin ‘yun sa hiwalayan.

Balitang-balita na tumigil na sa kanyang dating bisyo ang guwapong aktor, pero nagpalit lang pala ito ng pagkakaabalahan, may bisyo pa rin.

Mommy Chiling namaalam na hindi na nakikita ang mga apo kay Raymart

Ulilang-lubos na ngayon ang magkakapatid na Santiago. Kung gaano sila hinulma ng kanilang mga magulang bilang magkakarugtong ang pusod sa hirap at sa ginhawa ay siguradong mas magmamahalan pa ngayon ang magkaka­patid na Randy, Ro­well, Rhea, Junjun, Chi-Chi, at Raymart.

Kahanga-hanga ang magkakapatid na ito dahil sa pagpapairal nila ng pagi­ging edukado sa lahat ng pagkakataon. Nagkakaroon din ng mga isyu tungkol sa kanilang personal na buhay, pero hinaharap nila ‘yun nang matahimik, hindi nila itinitinda sa bilao ang kanilang pribadong buhay.

Ang ina ang tunay na nagbibigkis sa mga anak, ang nanay ang palaging ginagawang kunsideras­yon ng mga supling sa kanilang mga ginagawa, nga­­yong namayapa na si Mommy Chiling ay sigu­ra­dong mas pag-iibayuhin ng magkakapatid ang kanilang pagma­mahalan at pagdadamayan.

Ikinalungkot ni Mommy Chiling ang hidwaan at pagkaka­suhan nina Raymart at Claudine Barretto, sina Sabina at Santino ang palagi niyang inaalala, awang-awa siya sa kanyang mga apo na nadadamay sa mga usapin ng kanilang mga magulang.

At pati siya ay nalungkot dahil hindi na rin niya naki­kita nang regular ang kanyang mga apo nu’ng bandang huli. Nagpapasabi raw ang mga bata na miss na miss na ng mga ito ang iniluluto niyang ka­kanin, gumagawa naman siya, pero hindi naman du­marating ang mga bata sa kung anong dahilan.

‘Yun lang ang nakalulungkot, mapayapa mang nag­­paalam si Mommy Chiling ay nagpikit siya ng mga mata nang hindi nakikita ang pagkakasundo ng kanyang anak at manugang, nakamatayan niya ang isang nakalulungkot na pangyayari para sa isang inang tulad niya.

 

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

MARAMI

MOMMY CHILING

NIYA

PERO

RAYMART

SHY

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with