^

PSN Showbiz

Coleen hindi nagka-interes sa kanyang sex video!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hinarap na ni Coleen Garcia ang isyu tungkol sa isang sex video diumano ng aktres na kumakalat sa Internet ngayon. Sigurado raw ang dalaga na hindi siya ang babae na tinutukoy sa nasabing scandal. “That came out in the height of everything that was happening to Billy (Crawford). So dinedma ko na lang siya because there were so many other things that I needed to worry about,” bungad ni Coleen. “There were so many other things that I needed to fix. Alam ko naman na hindi totoo ‘yun so when I heard about it, I really just heard about it. I didn’t click any links or anything. Sinabi ko na that’s impossible so I brushed it aside na kaagad,” dagdag pa ng aktres.

Kahit nasasangkot ngayon sa mga iba’t ibang intriga ay hindi raw sumasagi sa isip ni Coleen na lisanin na ang show business. “There were so many times na sinabi ko sobra na ito pero never ko sinabi na I just want to walk away. I believe that there is nothing in life na sobrang great na hindi mo talaga kayang ipaglaban. Everything great is worth fighting for. If I give in to the struggles, then I’m going to like something great,” paliwanag ni Coleen.

Andi hindi kayang mangakong hindi na babalikan si Jake

Kinumpirma ni Andi Eigenmann na mayroon na siyang bagong manliligaw ngayon, ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Bret Jackson.

Matatandaang sumama ang loob ni Andi sa dating kasintahang si Jake Ejercito dahil sa pagkalat ng larawan ng binata na may hinahalikang ibang babae.

Ayon sa aktres ay marami ang napapaisip ngayon na baka maging ‘rebound’ lamang ang pagpasok ni Bret sa kanyang buhay upang makalimutan na si Jake. “Kasi everybody’s saying na rebound lang ikaw. Bago pa po ‘yung issue nakilala ko na po si Bret and it was his personal decision to still keep talking to me and wanting to be there for me when that issue came out,” pahayag ni Andi.

           

Nilinaw din ng aktres na hiwalay na sila ni Jake nang simulan siyang ligawan ni Bret. “Opo hiwalay na kami and then I met someone else and I entertained someone else and then I became happy. Alam ko po na masakit ‘yun para sa kanya dahil para sabihin niya po sa akin na mahal niya ako at willing po siya magbago at ayusin ‘yung mga bagay-bagay,” kwento ni Andi. Hindi pa raw kasintahan ng aktres si Bret at patuloy pa ring nanliligaw sa kanya ang binata.

“It’s just that mamaya baka umatras na naman po ako at bumalik na naman ako kay Jake. Sa ngayon po talaga ang gusto ko lang, turuan ang sarili ko maging masaya,” pagtatapos ng aktres.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALAM

ANDI

ANDI EIGENMANN

BRET JACKSON

COLEEN

COLEEN GARCIA

IF I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with