^

PSN Showbiz

May ‘taning’ na Richard-Jodi tandem dalawang buwan na lang

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang copycat label kay Rafael Rosell dahil ginaya niya ang ginawa ni Tom Rodriguez sa The Naked Truth nang rumampa siya sa Cosmo Bash noong Miyerkules. 

SCENE: “Hubb” ang term of endearment ni Isabel Oli sa kanyang soon-to-be husband na si John Prats. Hindi pa nakaka-get over si Isabel sa well-executed marriage proposal sa kanya ni John sa isang public place. 

SEEN: Ang box-office result ng Dementia. May panahon pa ang mga nag-iingay na Noranians na suportahan ang pelikula ni Nora Aunor na palabas pa rin sa mga sinehan. Ngayon, kailangang-kailangan ni Nora ang kanilang solid support. 

SCENE: Hanggang November 28 na lamang ang telecast ng Be Careful with My Heart, ang longest morning television series sa ABS-CBN nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

SEEN: Sina James Reid at Nadine Lustre ang mga bida sa My App Boyfie, ang month long episode ng Wansapanataym na mapapanood simula ngayong gabi, 7:15 p.m. sa ABS-CBN.

SCENE: No-show ang direktor na si Carlos Siguion-Reyna sa presscon ng Hari ng Tondo dahil sa teaching job niya sa isang university sa Singapore. Magiging aktibo na muli si Siguion-Reyna bilang direktor dahil magsasara na ang university na pinaglilingkuran niya kaya for good na ang pagbabalik niya sa Pilipinas. 

SEEN: Sa November 15 ang pilot telecast ng Season 2 ng The Voice Philippines. Mga host ng Season 2 sina Toni Gonzaga, Luis Manzano, Alex Gonzaga, at Robi Domingo.

SCENE: Dapat mag-isip ng mga bagong shot ang direktor na si Dominic Zapata dahil nagawa na niya sa My Husband’s Lover ang mga anggulo at kuha niya sa mga eksena ng Hiram na Alaala.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

BE CAREFUL

CARLOS SIGUION-REYNA

COSMO BASH

DOMINIC ZAPATA

HANGGANG NOVEMBER

ISABEL OLI

JAMES REID

JODI STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with