^

PSN Showbiz

KC ipinilit na kaibigan lang si Paulo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa programang Kris TV ay iginiit ni KC Concepcion na magkaibigan lamang sila ni Paulo Avelino at wala silang relasyon. “Promise, I’m not dating anyone right now. We have connection talaga for sure. He is really one of my best friends for sure. Mahaba pa ang ilalakbay ng career ni Pau. Marami pa siyang pwedeng gawin, priorities. Pati din naman ako,” pahayag ni KC. Ang pinagtutuunan daw ng panahon ni KC ngayon ay ang kanyang mga trabaho. “Hindi ba may season ang life? Ito ang season ng life na masarap munang mag-work. So going back to my love life, ang love life ko talaga ay best friendship. Pero gusto ko talagang magkaroon ng relationship na parang pwede na,” dagdag ni KC.

Gustong makasiguro ng dalaga na hindi na siya masasaktang muli kung papasok sa bagong relasyon. “Kasi siyempre ako kapag may relationship na ako, siyempre kahit paano ay may commitment at kahit paano ay gusto kong magtuloy-tuloy na siya. Kasi ayaw ko magka-boyfriend tapos heartbreak. Parang ayaw ko na parang heartbroken ka na naman. Although siyempre the more you get closer to the person the more na maa-attract ka,” paliwanag ni KC.

Kahit hindi kasintahan ng aktres si Paulo ay madalas pa rin daw magkasama ang dalawa. “He visited my lola (Elaine Cuneta). Kahit paano nakilala niya ‘yon before so there was a time na nalaman niya na naospital si Mita, bumisita siya at nagpadala siya ng flowers, mabait naman si Pau. Tapos dumating ang point na nakita niya na nai-stress talaga ako and then parang sabi niya, you need to get out of here even for just 30 minutes or an hour. So ‘yun, nag-dinner kami. Hanggang ganoon lang,” kwento ng aktres.

Karylle naghahanda nang mabuntis

Nalalapit na ang pagpapakasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Masaya raw ang dating kasintahan ng aktor na si Karylle para sa dalawa. “Ako kasi wala na ako sa eksenang ‘yun. So ayoko naman din sumingit,” natatawang pahayag ni Karylle. “Everyone deserves to have a wonderful wedding and that’s what I’ve experienced and until now I can’t stop talking about our wedding. So huwag natin sirain ‘yung maganda. Maganda ‘yun eh,” dagdag pa niya.

Ilang buwan na ring kasal si Karylle kay Yael Yuzon pero hanggang ngayon ay hindi pa nagbubuntis ang aktres kaya maraming nagbibigay ng payo sa mag-asawa. “Iba-iba ‘yung mga advice so pinaplano na hindi. I want a baby at this age or after a year. Parang masyado daw grabe ‘yung pressure. So ako may plano at the back of my head pero ayoko masyado isipin. Slowly talaga, I’ve been preparing myself like I want a water birth. So I’m preparing myself mentally for that, little things like that. Working towards that direction,” pagtatapos ni Karylle.        

                    Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

DINGDONG DANTES

ELAINE CUNETA

KAHIT

KARYLLE

KASI

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with