^

PSN Showbiz

Relasyon buking!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Palakpakan natin si Daniel Padilla na buong giting na inamin na lalaki lang siya kaya nagawa niya ang bagay na karaniwang gawain na ng isang lalaki, ang mahalina sa ibang babae kahit mayro’n na siyang Kathryn Bernardo. Kung hindi nga sa sinasabing audio clip ay hindi pa malalaman na mayro’n pala siyang paghanga kay Jasmine Curtis-Smith na kapareha niya sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng kanyang tiyuhin na si Robin Padilla, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Kung wala silang relasyon ni Daniel at magka-love team lamang ay walang dapat ipagdamdam si Kathryn. But the mere fact na naapektuhan ito nang husto sa pangyayari, isa lamang ang maliwanag na konklusyon. Meron silang relasyon ng binatang Padilla at masasabi ngang isang kataksilan ang naging atraksyon ni Daniel kay Jasmine.

But all’s well that ends well. Inamin na ni Daniel ang kanyang pagkakamali. Ang kailangan na lamang ay hanapin ang taong nagpakalat ng audio clip at siyang papanagutin sa lahat ng kasalanan nito. Mula sa kampo ni Daniel ang traydor kaya mas malaking kasalanan ang dapat niyang panagutan.

Jake hindi na raw maggi-GF ng iba ‘pag hiniwalayan ni Bea

Sana nga hindi na maghiwalay sina Jake Vargas at Bea Binene kundi masasayang ang effort at sakit na naramdaman ng young actor nang ipa-tattoo niya ang pangalan ng kanyang girlfriend sa braso niya. Mahirap kasi itong ipabura pa kapag hindi sila ang nagkatuluyan ni Bea at sigurado namang hindi ito magugustuhan ng sinumang babaeng papalit kay Bea sa puso niya sakaling maghiwalay sila.

Hindi naman pumapasok sa isip ni Jake na maghihiwalay sila ng nobya niya. Kahit pa na sobrang selosa ito at nasasaktan siya nito sa sobrang pagseselos ng dalaga.

“Hindi pa naman talagang pananakit ‘yun. Lambing lang. At saka ‘yung tattoo ko hindi ko kailangang ipabura kapag naghiwalay kami. Hindi na lang ako maggi-girlfriend ulit,” tahasang sabi niya na ikinataas ko ng kilay.

Magkasama ang dalawa ngayon sa Strawberry Lane, isang bagong serye ng GMA.

Ricky halos hindi makausap nang sorpresahin ni Mr. Sy

Paminsan-minsan na lamang kami magkita ng friend kong si Ricky Reyes na halos kapatid na ang turing ko. Pero nang magkita kami sa 11th anniversary ng Child Haus ay hindi ko pa siya nakausap nang maayos dahil iyak siya nang iyak. Paano ba naman, sinorpresa siya ng isa sa mga anak ni Henry Sy ng SM na si G. Hans Sy. Ipinakita nito ang isang larawan ng isang 6-storey building na siyang magiging bagong tahanan ng mga kabataang may sakit na cancer. Hindi magdiriwang ng kanyang 58th birthday si G. Hans Sy at sa halip ipatatayo niya ang ikalawang building ng Child Haus sa Taft Avenue, na malapit sa PGH. Kaya hindi na mahihirapan ang mga bata na bumiyahe para sa pagpapagamot. Ang kasalukuyang Child Haus sa Brgy. Pinyahan ay donated din ni Hans.

Tumutulong din sina Tates Gana, Luis Manzano na taun-taon nagbibigay ng P100,000, at Ogie Diaz na luimilikom din ng pondo.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

BEA

BEA BINENE

CHILD HAUS

HANS SY

HENRY SY

JAKE VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with