^

PSN Showbiz

Bawal magbiyahe; Sen. Miriam out na sa mga ninang nina Chiz at Heart!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Suportado ng mga kilalang celebrities ang annual gathering ng mga guro na binuo ng PLDT Gabay Guro sa pangunguna ni Chairman Chaye Cabal-Revilla.

Gaganapin ito sa October 5 sa SM-MOA Arena na kung saan first time na makikisaya si Regine Velasquez na siyang kumanta ng tribute song para sa mga guro na pinamagatang Believing in Me.

Ilan sa mga celebs na darating sa naturang event ay sina Derek Ramsay, Pops Fernandez, Ryzza Mae Dizon, at Alice Dixson.

Magkakaroon ng papremyo na kung saan ang masuwerteng guro ay mabibigyan ng lupa’t bahay mula sa Camella Homes mula sa Vista Land, at kotse mula AutoItalia, Honda Phils.

PAK: Reliable at naniniwala kami sa source namin na nagkuwentong ang pang-down payment pala sa lupa’t bahay na binili ng kilala at magaling na aktres ay mula sa politician boyfriend nito.

Kaya lang, break na sila ng kanyang boyfriend at may bago na siyang karelasyon na isa ring kilalang male celebrity.

Mabait naman ang ex-boyfriend nito at hindi na niya siningil sa aktres ang ipinanghulog sa biniling bahay. Matagal-tagal din naman ang kanilang relasyon at naging masaya naman daw siya noon sa aktres.

BOOM: Hindi na pala kabilang sa mga ninang si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista dahil sa karamdaman nito. Ipinagbabawal pala ng doktor niyang magbiyahe siya kaya hindi siya puwedeng lumipad pa-Balesin Island.

Nag-post si Heart sa kanyang Instagram account na nagkausap sila nang matagal ng Tita Miriam niya.

Balak ng Kapuso actress na mag-overnight kay Sen. Miriam para magkaroon pa raw sila ng sapat na panahong mag-bonding at mapag-usapan na rin ang bagong responsibilidad na papasukin niya.

Nabuo na nina Sen. Chiz at Heart ang kanilang principal sponsors na 20 pairs daw. Balak nilang ilabas ang listahan ng buong entourage ‘pag malapit na ang kanilang kasal.

vuukle comment

ALICE DIXSON

BALAK

BALESIN ISLAND

CAMELLA HOMES

CHAIRMAN CHAYE CABAL-REVILLA

CHIZ ESCUDERO

DEREK RAMSAY

GABAY GURO

HEART EVANGELISTA

HONDA PHILS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with