^

PSN Showbiz

Derek nangakong ipaglalaban ang anak! Daniel ipinakitang tao lang na marunong magmura at manlait!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nanahimik ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nakipagtalo na hindi boses ng young actor ang naririnig sa kontrobersyal na audio clip. Inamin ni Daniel na siya ang nagsasalita sa kumalat na audio clip na nagpahayag ng paghanga kay Jasmine Curtis-Smith.

SCENE: Sa pag-amin ni Daniel Padilla, ipinakita niya na tao lamang siya na nagkakamali, nagmumura, nanglalait ng kapwa, at nagbibitaw ng salitang kalye tulad ng “kinikilig ang kanyang t…..g” dahil kay Jasmine Curtis-Smith.

SEEN: Umiral ang pagiging stage mother ni Karla Estrada nang ipagtanggol nito ang anak na si Daniel Padilla na sinisiraan daw ng kampon ng kadiliman, kahit normal lang sa mga kabataang lalaki ang inasal at sinabi ng young actor sa audio clip na kumalat.

SCENE: Ang pagtatapat ni Derek Ramsay sa presscon ng Season 2 ng The Amazing Race Philippines na year 2011 lang nang malaman niya na may anak sila ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

SEEN: Ang pangako ni Derek Ramsay na ipaglalaban ang mga karapatan niya bilang ama ni Austin at bibigyan ito ng magandang edukasyon.

SCENE: Showing ngayon sa mga sinehan ang Dementia, ang horror movie ni Nora Aunor na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

SEEN: Marami ang nakikiisa sa panawagan at kagustuhan ni Cherry Pie Picache na ibalik ang death penalty dahil sa walang awa na pagpaslang noong Biyernes sa kanyang ina na 75-years old.

SCENE: Maligaya si Jasmine Curtis-Smith dahil fully-paid na ang kanyang brand new condominium unit sa Ortigas Center dahil sunud-sunod ang mga product endorsement niya.

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

CHERRY PIE PICACHE

CINEMA EVALUATION BOARD

DANIEL PADILLA

DEREK RAMSAY

GRADED A

JASMINE CURTIS-SMITH

KARLA ESTRADA

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with