^

PSN Showbiz

Kotseng pinanghaharurot noon naibenta na, aktor na inuna ang yabang, nagbu-bus at tricycle na lang uli pauwi sa kanilang probinsiya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nahihiya na sigurong bumalik sa kanilang bayan ang isang aktor na nu’ng nag-uumpisa pa lang sa pag-aartista ay nagparamdam na agad ng kaangasan sa kanyang mga kaibigan at kababayan.

Malapit lang sa Maynila ang probinsiyang pinagmulan ng aktor, nadiskubre siya ng kanyang manager sa isang resort, pinag-gym siya nito at pinaalagaan ang kutis sa isang kilalang clinic hanggang sa magmukhang artista na siya.

Hindi makakalimutan ng kanyang mga kababayan na nu’ng unti-unti na siyang nakikilala ay umuuwi siya sa kanilang bayan na de-kotse na. Hindi brand new ang kanyang sasakyan, segunda-mano lang, pero kung paliparin niya ay parang Rolls Royce ang kanyang minamaneho.

Sabi ng isang source, “May kaangasan siya, halatadong nu’n lang siya nakatikim ng granatsa, paandarin ba nang pagkabilis-bilis ang second hand niyang car na halos makain na ng mga nakatambay ang alikabok dahil sa pagmamaneho niya?

“Saka ayaw na niyang lumabas ng bahay, artista na raw kasi siya, pati ang mga kaibigan niya, e, tinalikuran na rin niya,” paalala ng aming impormante.

Pero hindi sumikat nang husto ang aktor, ang mga roles na nakukuha niya ay kaibigan lang ng kaibigan ng bida, hindi siya mismo ang kaibigan ng bumibida sa istorya.

Binitiwan pa siya ng manager niya, nakialam kasi ang mga magulang niya sa career niyang hindi pa naman kagandahan, kaya bokya na agad ang kanyang karera hindi pa man.

“Hindi na siya umuuwi ngayon sa bayan nila, hiyang-hiya siguro siya dahil nauna kasi ang kaangasan niya. Wala na rin ang car niya, naibenta na niya dahil sa kawalan ng raket.

“Gaya nang dati, magbu-bus na naman siya sa pag-uwi sa kanilang probinsiya, magta-tricycle siya mula sa bayan pauwi sa kanila. Ganu’n ang nangyayari kapag inuuna ng artista ang kahambugan,” madiin pang opinyon ng aming source.

Ubos!

Daniel tinraydor ng dating kaibigan

Kailangan nang iskrining mabuti ngayon ni Karla Estrada ang mga kaibigan ng kanyang anak na si Daniel Padilla na pumapasok at lumalabas sa kanilang bahay.

Naging masakit para sa sikat na heartthrob ang pagkatuklas na ang nag-upload pala ng kanyang voice tape sa social media ay isang itinuturing niyang kaibigan na inasikaso pa niya sa kanilang bahay.

Isang kaswal na kuwentuhan lang ‘yun ng magkakatropa, girls siyempre ang paboritong paksa ng mga kalalakihan kapag nagkakasama-sama sila, du’n binutasan si Daniel ng isang akala niya’y kaibigan pero hindi naman pala.

Nagalit sa kanya ang mga fans nila ni Kathryn Bernardo, bakit daw ganu’n ang binata, meron na nga siyang girlfriend pero bakit may ibang babae pa siyang binibigyan ng atensiyon?

Ang napagdiskitahan pa sa kuwento ay ang walang kamalay-malay na si Jasmine Curtis Smith na girlfriend na ni Sam Concepcion, magkasama kasi sina Daniel at Jasmine sa pelikulang lahok ni Robin Padilla sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na Bonifacio: Ang Unang Pangulo, hiyang-hiya si Daniel sa pangyayari.

Masyado kasing mabait si Daniel, ang akala yata niya, lahat ng mga taong nagpapakilalang kaibigan niya ay tapat sa kanya at walang posibilidad na traydurin siya.

Ang nag-upload ng kanyang audio ay isang dati na niyang nakakasama nu’ng nakatira pa sila sa Mandaluyong, nagpunta ito sa kanilang bahay para makipagkuwentuhan, ‘yun pala’y magiging ugat pa ‘yun ng pagkapahamak ng sikat na bagets.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

DANIEL PADILLA

ISANG

KAIBIGAN

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with