^

PSN Showbiz

Coco dawit sa babaeng hila-hila sa fashion show ng mga panty at bra!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa pala tapos ang mga issue sa kakatapos na underwear show last Saturday night, ang The Naked Truth.

Kahapon naman ay pumalag  ang dating representative ng Gabriela Partylist na si Liza Maza sa hindi raw makataong portrayal    sa mga kababaihan sa nasabing fa­shion show.

At ang pinag-iinitan niyang eksena, ang portion ng Kapamilya actor na si Coco Martin na pinakapinalakpakan sa fashion show. Kung saan rumampa itong parang may hilang babaeng model na nakatali pa na tuma-tumbling-tumbling. Malaking kabastusan daw ‘yun sa panig ng mga kababaihan.

Hindi nag-iisa si Ms. Maza sa nasabing pagbatikos.

‘Di na naghubad o nagpakita ng katawan si Coco, nabatikos pa rin ha. Hindi man siya directly, ang photos naman niya na may hilang babae ang ginagamit.

Kalokah. Baka naman magkaroon pa ito ng Senate investigation.

Daniel hindi na puwedeng gumawa ng normal na bagay

Over acting naman ang reaction sa sinasabing audio scandal ni Daniel Padilla na kuning-kuning na nabuking na kinikilig sa kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith. Talagang overkill ang balita na parang isang malaking-malaking iskandalo na ang ginawa ni Daniel.

Totoo naman ang sinabi ni Daniel na isa rin naman siyang tao na katulad natin ay nakakapagmura o nagagawa ang katulad sa ginagawa ng ordinaryong tao.

Parang wala na naman siyang karapatan na kiligin. Paano nga kung type niya si Jasmine na wala naman talagang nabanggit na pangalan ng kapatid ni Anne sa nasabing audio scandal?

Kawawa naman si Daniel dahil sa sobrang kasikatan, hindi na puwedeng gumawa ng normal na bagay. Eh hindi naman siya robot para diktahan sa lahat ng oras ng kanyang gagawin.

Death penalty inaapela ni Cherry Pie na ibalik na

Panahon na siguro talaga para ibalik ang death penalty. Ang dami na ngayong nakakawindang na mga pagpatay na parang ordinaryong bagay na lang.

Mainit pa ang isyu dahil nanay ng actress na si Cherry Pie Picache ang latest na nabiktima.

Sa interview sa kanya ni katotong Mario Dumaual na umere sa TV Patrol, marami talagang nakiiyak kay Cherry Pie. Inilabas na niya ang sakit na nararamdaman at sinabi na nga niyang sana’y ibalik na lang ang death penalty.

Kaya lang, bakit kaya walang kasama sa bahay ang nanay ng aktres samantalang 75 years old na ito?

Pinagsasaksak ng mga sinasabing magnanakaw ang nanay ni Cherry Pie noong kasagsagan ng bagyong Mario.

Annabelle Rama ginastusan ang director ng It Takes Gutz…

Bongga pala ang bagong director ng Season 2 ng reality show ng Gutierrez family, It Takes Gutz To Be A Gutierrez na si Karen Appathurai Wiggins.

Australian si Wiggins at marami na siyang naidirek na reality shows kasama na ang The Real Housewives and Formal Wars.

Ayon kay Tita Annabelle Rama, binigyan siya ng listahan ng mga pangalan ng mga international director na puwedeng mag-handle ng show nila ng boss ng E Channel hanggang sa namili sila.

Dumating ng bansa si Wiggins at sagot nina Tita Annabelle lahat ng gastos ng director habang nasa bansa – hotel accommodation, food at binigyan nila ng service. One month mag-i-stay sa bansa ang director at hindi ako sure kung habang binabasa ninyo ito ay nakaalis na siya dahil tapos na ang taping nila at naka-schedule nang ipalabas sa October 5.

Ayon kay Tita Annabelle, magaling magdirek si Wiggins kaya naging madali sa kanila ang taping, pero mas challenging daw kesa sa naunang season ng It Takes Gutz... ang Season 2.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ANNE CURTIS

AYON

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

IT TAKES GUTZ

NAMAN

TITA ANNABELLE

WIGGINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with