^

PSN Showbiz

John Prats gustong madagdagan ang kita para sa kasal nila ni Isabel

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na ako ang magtanong, ay ako ang tinatanong ng marami kong kaibigan sa GMA 7 kapag pumupunta ako sa radio program ni Kuya Germs at nanonood ng taping ng kanyang Walang Tulugan with the Master Showman.

Parang ang lahat ay interesadong malaman kung may katotohanan ang mabilis na kumakalat na balita na nakikita ang Kapamilya actor na si John Prats at ang manager nito na umaaligid sa bakuran ng network. Hindi nga naman siguro dinadalaw lang nito ang sister niyang si Camille Prats dahil kasama pa ang manager niya.

Mas kapani-paniwalang isipin na gusto na nitong samahan ang kanyang kapatid sa network at iwan na ang ABS-CBN na ma­tagal din niyang pinagserbisyuhan. Maaaring pawang hosting jobs na lamang ang tinatanggap niya mula sa sina­sabing iiwan niyang network kung kaya mag-iiba siya ng istas­yon. Baka nga naman kasi mabigyan siya ng role sa napakara­ming teleserye ng network. Isa lamang si John sa host ng katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) na matagal pa siguro bago magka­ron uli ng kasunod dahil taunan kung umere ito. Mainstay din siya ng  weekly Banana Split at daily Banana Nite. Pero bukod dito, ay wala na siyang iba pang palabas. Naghahanap na siguro ng maganda at malaking mapagkakakitaan ang aktor dahil nag-iisip na itong pakasalan ang nobya niyang si Isabel Oli, hindi kaya? Pero hayaan nating si John ang sumagot tungkol sa isyung ito.

Audio scandal ni Daniel promo lang para sa pelikula nila ni Jasmine

Magkasama sina Daniel Padilla at Jasmine Curtis-Smith sa movie ni Robin Padilla para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Sinasabing mabibiyayaan ito ng malaking promosyon sa intriga at kontrobersya na nalikha ng ginawang pagti-text ng dalawa sa isa’t isa. Hindi naman magandang sabihin agad na may malisya ‘yung concern na ipinakikita ng Prinsesa ng TV5 sa kanyang kasamahan sa trabaho na katulad niya ay taken na. Hindi rin naman siguro dapat bigyan ng kulay ‘yung interes na ipinakita dito ni Daniel dahil magkatrabaho sila. Wala rin naman sigurong ibig sabihin kung magustuhan ang kapatid ni Anne Curtis ng ka-love team o nobyo na ni Kathryn Bernardo. Nagustuhan lang niya siguro ito, pero hindi ibig sabihin ay liligawan na niya o papalitan na niya si Kathryn. Ang mga nag-isip lang nito ang malisyoso.

Talagang pagdating sa fans nagkakagulo ang mga artista. Imbes na makatulong sila sa mga idolo nila ay nakakasira pa sila. Grow up fans. It’s about time.

Ellen nakikipag-compete ng paseksihan kay Marian

Pinagkaguluhan na naman ang pagrampa ng maraming artista na underwear lang ang suot sa isang malaking fashion show ng Bench. Kung ina­akala n’yong mga beki lamang ang nag-enjoy na makita ang mga artista na naka-panty at bra o kaya ay baka-briefs aba eh, nagkakamali kayo. Maraming mga babae ang halos mapatid ang litid sa pagsigaw habang sinusundan ng tingin ang mga paborito nilang artista na pambihira nilang makitang ganun lamang kakaunti ang suot.

Pero in fairness, walang artista na rumampa ang may natural na ganda ng pangangatawan. Lahat ay bunga ng ma­gan­dang diet at workout. Kung dati, basta matipuno lamang ay okay na, hindi na ngayon. Kailangang may bilang ang abs ng mga kalalakihan at swerte na kung may babae ring may abs. The bigger number the better. Kung maganda man ang mga underwear na iminomodelo nila ay hindi na mahalaga. Katunayan mas mag-i-enjoy pa ang mga manonood kung ang mga rarampa ay wala na ring suot, pero papayagan ba ito? Kaya nagkakasya na lamang ang mga modelo na mag-isip ng paraan kung paano sila gagawa ng  gimik.

Si Enchong Dee, nag-pole dancing. Sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, akmang maghahali­kan on stage, sina Coco Martin at Kathryn Ber­nar­do ay tinilian kahit balot na balot ang mga katawan nila. Lips to lips din ang eksena nina Richard Gutier­rez at Sarah Lahbati. Si Ellen Adarna, grabe ang suot! Dapat kabahan sa kanya si Marian Rivera, dahil baka next year ito na ang lalaban bilang sexiest woman. Lalo’t by next year ay misis na siya.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

ANNE CURTIS

BANANA NITE

BANANA SPLIT

KUNG

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with