^

PSN Showbiz

Bilbil ni Jake bumida, pinagpipiyestahan ng mga manlalait!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Pinag-uusapan ang bilbil ni Jake Cuenca nang rumampa siya sa isang fashion show. Kung totoo ito bakit nga naman rumampa ka pa Jake kung wala sa kundisyon ang body mo? Tuloy, nalalait ka. Next time, kung magbabago ang isip mo, siguraduhin mong well-prepared ka. Magandang kumbinasyon ‘yung ganda ng pangangatawan at galing sa pag-arte. Dito mo na lang talunin ‘yung mga nakasaba­yan mong rumampa.

Charice hindi nagmamadaling pakasal

Tama lang na i-enjoy muna ni Charice Pempenco ang relasyon nila ng nobya niya. Saka na muna iyang kasal-kasal na baka makaapekto pa sa career niya kung isasagawa nila ngayon. Bata pa naman siya. No need to rush things. Ipun-ipon na lang muna para kung sakaling hindi na mapigilan ang pagser­yoso sa kasal, ay financially stable na siya at naihanda na rin ang kinabukasan ng kanyang pamilya.

Andre hindi naman talaga kailangang maghubad

Eh ano rin kung hindi man lang nag-topless si Andre Paras sa The Naked Truth. Kinuha naman siya sa kabila ng pangyayaring hindi niya kinakailangang maghubad. Wala pa naman siyang kailangang patunayan kahit kanino. Pagbutihin muna niya ang kanyang paglalaro ng basketball at pagiging magaling na aktor at hindi na niya kinakaila­ngang makipagbakbakan ng paseksihan sa stage. Bata pa siya. He has all the time in the world to better himself sa lahat ng aspeto and he’s on his way.

Dingdong at Marian mas gustong makatulong kaysa gumastos sa kasal

Ayaw na raw nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na gawing paboloso ang kanilang kasal.

Mabuti naman, dahil wala na silang dapat patunayan at this point. Bongga na ang naging propo­sal ni Dingdong na sinundan pa ng isang pormal na pamamanhikan. Hindi na kailangan ng bonggang kasalan. Itago na lang nila ang milyones na matitipid nila. Matatandaan ding ilan lang sa mga artistang tumutulong sa mga nangangailangan sina Ma­rian at Ding­dong. Tama nga na mas marami silang ma­pagga­gamitan ng pera at matutulungan kung magsi-save sila ng pera. Saka mas maaalala pa ng tao kung magiging talagang simple lamang ang magi­ging kasal nila. Pramis!

vuukle comment

ANDRE PARAS

BATA

CHARICE

DINGDONG DANTES

JAKE CUENCA

KUNG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with