^

PSN Showbiz

Apela ni Piolo sa anak na ‘wag munang mag-showbiz, nabalewala

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood na nag-duet sa iisang entablado ang mag-amang sina Piolo Pascual at Iñigo. Nagdiwang ng kanyang kaarawan sa ASAP si Iñigo kaya nangyari ang ganitong pambihirang pagkakataon. “It’s amazing. I’ve always dreamt about this time. It’s just crazy that it’s happening finally,” nakangiting pahayag ni Iñigo.

Payag kaya si Piolo na sundan ng anak ang kanyang mga yapak sa show business? “Wish ko lang, whatever he takes on, I pray na maging successful siya. I want him to enjoy life. Sabi ko sana ‘pag 18 na siya mag-artista kaso ayaw magpapigil eh,” pagbabahagi ni Piolo.

Isang pelikula ngayon ang ginagawa ni Iñigo na may titulong Relax, It’s Just Pag-ibig. Kasama rin niya sa nasabing proyekto na mapapanood simula November 12 sina Sofia Andres at Julian Estrada. “We are just excited for him to be here. He’s going to be here for a couple of weeks. He has a movie,” pagtatapos ni Piolo.

Charice gustong maging inspirasyon sa ibang tao

Kamakailan ay nagkaayos na sina Charice at inang si Raquel Pempengco. Matatandaang nagalit si Mommy Raquel sa anak mula nang umamin si Charice sa publiko tungkol sa tunay nitong pagkatao at paglalantad sa kasintahang si Alyssa Quijano. Ngayon ay malaki ang pasasalamat ni Charice sa ina dahil sa pagtanggap nito sa kanya kahit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa matagal na panahon. “Two weeks pa ako umuwi pero hindi pa ako nagiging emotional sa kanya. Hindi pa ako nakapagpasalamat sa lahat kasi nahihiya ako. I just want to say that everything, kung sino man ako ngayon, lahat ‘yun, ‘yung lakas ng loob nakuha ko sa ‘yo. Kahit na ano man ang nangyari dati, ito pa rin tayo, nasa harap ng buong mundo. Sinasabi natin sa kanila na kahit anong masama ang inisip nila sa atin, akala nila hindi tayo magkakaayos, pamilya pa rin tayo,” emosyonal na pahayag ni Charice.

Umaasa raw ang singer na sana ay maging inspirasyon din sa iba ang kanilang pamilya na kahit dumaan sa mga pagsubok ay muling nabuo at naging matatag. “Maging role model tayo sa kanila na kahit anong problema sa mundo, basta pamilya kayo, walang problemang hindi maso-solve. I love you, I love you Carl (kapatid ni Charice), Alyssa. I love you, daddy. I am very happy and this is the best achievement that I could ever have in my life,” dagdag ni Charice.

Ayon naman kay Mommy Raquel ay hindi naman nabawasan ang kanyang pagmamahal sa anak sa kabila ng mga nangyaring gulo sa pagitan nila. “Ang masasabi ko lang po, gaano man katagal lumipas ang panahon, basta nandito lang ako, naghihintay sa mga anak ko na bumalik pa rin sa akin. Para ipaalam ko lang sa lahat, kahit anong nangyari, mahal na mahal ko pa rin kayo,” emosyonal na pahayag ni Mommy Raquel.          

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

CHARICE

JULIAN ESTRADA

JUST PAG

MOMMY RAQUEL

PIOLO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with