^

PSN Showbiz

Liza pangalawang kasal na sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa Amerika ikinasal ang dating beauty-queen-turned actress na si Liza Dino kung kanino siya may isang anak na babae, ang 7-year-old na si Amara. Hiwalay na si Liza sa kanyang Filipino-American ex-husband.

Sa Amerika rin nakatakdang ikasal muli si Liza, this time with actress-singer Aiza Seguerra na mu­ling nakabalikan ni Liza after 13 years na wala silang communication.

Aware din si Liza sa negative reaction ng ibang tao pero ang mahalaga ay masaya siya. Masaya sila ni Aiza sa kanilang relasyon at tanggap nito si Amara maging ang respective families nina Liza at Aiza.          

Kambal ng Lord of scents dalawang taon na

Sayang at hindi kami nakadalo sa paanyaya ng tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz sa ikalawang birthday ng kanyang twins na sina Prince Sean at Princess Synne na ginanap sa The Tent ng Sofitel Hotel kamakailan lamang. Nakita sana namin  ang mala-circus type of celebration ng kambal.

Hindi ikinakaila ng successful businessman na si Joel na milyones ang kanyang ginasta para lamang maisakatuparan ang pagkakaroon niya ng kambal na anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization using a surrogate mother na isang Russian. Hindi lamang isang anak kundi isang kambal ang ipinagkaloob sa kanya kaya sobrang tuwang-tuwa si Joel. Ang kambal ay kanyang pinangalanang Prince Sean at Princess Synne na two years old na last September 4.

Legal ang baptismal certificates ng kambal na isinilang sa Russia na agad namang naiuwi sa Pilipinas ng tunay na ama na si Joel. May kasulatan din siyempre sina Joel at Russian mom ng mga bata na hindi na ito maghahabol pa sa kambal.

Kahit walang kinikilalang ina ang kambal, nariyan ang mga kapatid na babae ni Joel na siyang nagbibigay ng motherly love sa mga bata. Although sobra-sobra ang ipinadadama na pagmamahal ni Joel sa kanyang kambal na siya niyang pinaghuhugutan ng kanyang inspirasyon.

Ayon kay Joel, sa kanyang kambal niya ipamamana ang pamamahala ng kanyang mga negosyo balang araw kapag nasa tamang edad na ang mga ito

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

AMARA

JOEL

JOEL CRUZ

KAMBAL

KANYANG

PRINCE SEAN

PRINCESS SYNNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with