^

PSN Showbiz

Nagyakapan pa sa stage Daniel at Kathryn bati na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil naa­yos na ang konting gusot na dumaan sa magka-love team. May lumabas kasing audio na kaboses ni Daniel talking about other girl at kahit hindi pinangalanan, nahulaan ng mga nakarinig na si Jasmine Curtis-Smith ang girl dahil sa audio, may mga binanggit na pangalan si Daniel na konektado sa nakababatang ka­patid ni Anne Curtis.

Nataranta, nasaktan, at nagselos ang fans para kay Kathryn at may mga nag-iyakan pa nga. Aakalaing the end na ng KathNiel love team dahil sa rehearsal ng fashion show, mukhang hindi pa sila okay. Nakunan ng picture si Kathryn sa rehearsal na malungkot at hindi tumitingin kay Daniel.

Pero nagkabati rin sina Daniel at Kathryn sa Bench Fashion Show. Totoo raw at hindi scripted ang pagya­yakapan ng dalawa sa stage. Bago ‘yun, iki­natuwa rin ng fans ng dalawa ang pagpo-post ni Kathry sa Instagram (IG) ng picture nila ni Da­niel na may caption na “Best Guy Ever” para mapanatag ang kanilang fans.  

As of yesterday, hindi pa itinatanggi at kinukumpirma ni Daniel kung talagang siya ang nasa audio at ayaw din nitong pag-usapan.

Lovi mas inuna ang shooting, renta sa eroplano ang mahal

Wala si Lovi Poe sa The Naked Truth Bench Fa­shion Show dahil may shoo­ting ito ng Flight 666 episode ng Shake, Rattle & Roll XV. Nabago ang date ng fashion show at nataong may shooting schedule siya last September 20.

Kailangang mamili ni Lovi kung magsu-shoo­ting siya o rarampa sa MOA Arena at pinili ang mag-shooting dahil bukod sa naka-schedule na, hindi puwedeng wala siya dahil siya ang lead actress. Hindi rin daw puwedeng iurong ang shooting dahil sa airplane ang location at mahal ang ibinabayad ng Regal Entertainment sa eroplanong ginagamit ni director Perci Intalan sa shooting.

Nalungkot nga raw si Lovi dahil this year lang siya hindi nakasali lalo’t pinaghandaan niya ang pagrampa, nag-diet siya at nagwu-workout kasi ito ‘pag may free time. Saka inabangan siya ng kan­yang fans, pero kailangan niyang unahin ang shoo­ting at entry ang movie sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Hindi man nakasama ni Lovi ang BF na si Rocco Nacino sa fashion show, kasama naman niya sa shooting sina Matteo Guidicelli at Daniel Matsunaga.

Kris hindi pa rin makatingin kay Dennis

Ipinaalala ni Kris Bernal sa followers niya sa IG na hindi ang Hiram na Alaala ang first project nila ni Dennis Trillo. Nagkasama na sila noong 2007 sa Zaido, pero magkapatid ang kanilang role.

Kung dati, hindi pa kinikilig si Kris kay Dennis, ngayon, aminadong kinikilig siya sa aktor at kinuwento na sa first few days ng taping nila, nahihiya siyang tumingin dito dahil nakakalunod daw ang mga mata ng aktor.

In fairness, pinuri rin naman ni Dennis si Kris, mahusay daw itong umarte, mabilis umiyak at parang gripo ang mga mata dahil tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha. Kahit daw tapos nang kunan ni Direk Dominic Zapata ang eksena, umiiyak pa rin ito.

Piling pelikula ni Mark ipalalabas bilang tribute sa aktor

Magkakaroon ng A Mark Gil Retrospective bilang tribute kay Mark Gil at ipalalabas ang ilan sa magagandang pelikulang ginawa ng aktor sa Cine­ma 5 ng Greenbelt Theater. Ang Film Academy of the Philippines, Ayala Malls, at My Own Mann Productions ang nasa likod nito.

This Monday ang Gala Night at ipalalabas ang pelikulang Batch ’81, by invitation ito, kaya ‘wag muna kayong pumunta. Sa September 24, sho­wing ang Kid, Huwag Kang Susuko, Bilibid Boys, Miss X, at Sugat sa Dangal.

Sa Sept. 25, ipalalabas ang Magnifico, Philippino Story, Palipat-Lipat, Papalit-Palit, at Batch ’81. Mapapanood ang mga nasabing pelikula for P100 pesos only.

Apo ni Kuya Germs magdu-donate ng 100K sa Kapuso Foundation!

Lalong ipagmamalaki ni German Moreno ang apo niyang si Gabriel Luis Moreno dahil part ng incentive na ibinigay sa apo sa napanalunang gold sa archery sa 2014 Summer Youth Olympics ay ido-donate sa Kapuso Foundation.

Hinihintay lang ni Kuya Germs na bumalik si Mel Tiangco from her vacation para personal na maiabot ni Gabby ang kanyang donation. Tama ba kaming P100,000 ang ibibigay ni Gabby sa Kapuso Foundation?

 

vuukle comment

DAHIL

KAPUSO FOUNDATION

KATHRYN

KUYA GERMS

LOVI

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with